11 dakma sa drug ops

Bandera - - FRONT PAGE -

DINAKIP ang 11 katao, kabilang ang tatlong babae, sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng Batasan police sa Quezon City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Rhodora Clemente, 50, Julius Agundo, 31, Rosalinda del Corro, 52, Mary Ann Nava, 25, John Michael Vargas, 25, Rommel Pidal, 36, Jimmy Concepcion, 47, Toward Simoy, 29, Darwin Agundo, 38, Marvin Dumlao, 22, at kapatid niyang si Adrian, 21. Nakuha ng pulisya ang 33 sachet na pinaniniwalaang shabu ang laman at mga drug paraphernalia. Isang police poseur buyer ang nakabili ng P500 halaga ng shabu kay Clemente at Agudo alas-7 ng gabi sa kanto ng Bicol at Visayas sts., Brgy. Payatas. Nahuli ang iba pang suspek sa lungga ng nina Clemente at Agudo.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.