2 nalibing sa landslide

Bandera - - FRONT PAGE -

NATABUNAN ng lupa ang dalawang construction worker sa landslide sa compound ng isang paaralan sa Lavezares, Northern Samar, kahapon ng hapon.

Nakilala ang dalawa bilang sina Jonnel Nabor at Elmer Abayon, kapwa 17-anyos at residente ng bayan ng Victoria, ayon sa ulat ng Eastern Visayas regional police.

Naganap ang insidente sa compound ng elementary school ng Brgy. Libas, alas-2.

Nagtatrabaho sina Nabor at Abayon sa construction site na malapit sa isang burol doon, nang maguhuan ng lupa, ayon sa ulat.

Nagsasagawa pa ng search and rescue operation ang lokal na pulisya, mga bumbero, at ibang construction worker upang mahugot sa guho ang dalawa, habang isinusulat ang istoryang ito. —John Roson Domingo, Jayson Ibe, Mark Joseph Pineda, Ruben Rodriguez II, Richard King Agapito, Jose Yumul Jr., at Rommel Manicdao sa manhunt operation sa lungsod, sabi ni Chief Supt. Amador Corpuz, direktor ng Central Luzon regional police, sa isang kalatas.

Isinagawa ang pagaresto sa bisa ng warrant na inisyu ni Angeles City Regional Trial Court Branch 58 Judge Irineo Pangilinan Jr. dahil sa mga kasong kidnapping for ransom at robbery in band, ani Corpuz.

Nakadetine ang pito sa Angeles City District Jail.

Matatandaang sinibak sa serbisyo ang pito noong Setyembre para sa kinalaman sa pagdukot, panghoholdap, at pangingikil sa tatlong Koreano noong sila'y mga pulis pa ng Angeles City noong Dis. 30, 2016. —John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.