Mental Health bill aprub sa House

Bandera - - FRONT PAGE -

INAPTUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang Mental Health bill na naglalayong maasikaso ang mga taong mayroong problema sa pag-iisip.

Sa ilalim ng House bill 6452, bibigyan ng malinaw na karapatan ang mga taong may problema sa pag-iisip upang hindi sila makaranas ng diskriminasyon at matulungang gumaling.

Gagawa rin ng mga hakbang upang mabawasan o maiwasan ang pagkasira ng isip ng isang tao.

Ang mga ospital ay inaatasan din ng panukala na tiyakin na mayroon itong pasilidad para sa psychiatric emergency lalo na sa mga pampublikong ospital sa tulong ng lokal na pamahalaan.

Itatatag din ang Philippine Mental Health Council sa ilalim ng Department of Health na siyang mangangasiwa sa Mental Health Care Delivery Service.

Ang kaparehong panukala ay naipasa na sa Senado noong nakaraang taon.

Sa isang survey noong 2004 na kinomisyon ng Department of Health isa sa bawat 100 pamilya ang mayroong mental disorder.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.