Lookout bulletin vs Faeldon, 11 pa

Bandera - - FRONT PAGE -

NAKATAKDANG maglabas ang Department of Justice (DOJ) ng lookout bulletin laban kay Customs chief Nicanor Faeldon at 11 iba pang opisyal ng Bureau of Customs kaugnay sa malawakang smuggling sa ahesya, ani Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

“Since the preliminary investigation is already ongoing, we will issue the ILBO (Immigration lookout bulletin order) if the cases would be filed in court,” dagdag ng kalihim.

Nauna nang nagbitiw si Faeldon sa kanyang puwesto sa kasagsagan ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa smuggling ng shabu.

Bukod kay Faeldon, kabilang sa sakop ng lookout bulletin sina BOC directors Milo Maestrecampo at Neil Anthony Estrella; intelligence officers Joel Pinawin at Oliver Valiente; Manila International Container Port district collector Vincent Phillip Maronilla; abogado ni Faeldon na si Jeline Maree Magsuci; mga empleyado ng BOC na sina Alexandra Ventura, Randolph Cabansag, Dennis Maniego, Dennis Cabildo at John Edillor. —Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.