$25K halaga ng plastic surgery premyo sa laro

Bandera - - FRONT PAGE -

NEW JERSEY, USA— Agaw-atensyon ang isang casino promotion sa Atlantic City.

Dahil sa halip na pera ang mapanalunan sa kanilang ilulungsad na contest, ang makukuhang premyo ay $25,000 halaga ng plastic surgery.

Plano ng Trump Taj Mahal Casino Resort na ibigay ito sa mananalo sa kanilang card contest.

Maaari umanong mamili ng iba’t ibang plastic surgery operation ang mananalo mula sa breast enhancements, tummy tucks, liposuction at face lifts hanggang sa maubos niya ang $25,000.

“We wanted to change the face of a typical casino promotion, and with this one we are literally doing it,” ani Kathleen McSweeney, senior vice president ng marketing ng Trump Entertainment Resorts.

“Many people have something they want to change; a nip and tuck here, a lift there, but the cost of these procedures can be quite costly,” dagdag pa ni McSweeney. “This promotion will allow the winner the opportunity to get the procedures of their choice.”

Ayon sa website na infoplasticsurgery.com, na siyang ginamit ng casino sa kanilang promotion, ang arm lift ay nagkakahalaga ng $5,000 hanggang $6,500; Botox treatments ay mula $200 hanggang $400 kada area; breast augmentation surgery ay mula $5,000 hanggang $8,000; chin o cheek implants ay $3,000 hanggang $4,500; at ang liposuction ay mula $2,500 hanggang $10,000.

“People often want this surgery but they're reluctant to spend their own money to do it,” ani McSweeney. “Whether it's kids' tuition, or the mortgage or they just don't have that kind of money, this is their opportunity to get it done.”

Nangangamba naman ang medical professionals na magkaroon ng masamang epekto ang naturang promotions.

Sinabi ni Dr. Eda Gorbis —assistant professor ng Psychiatry sa UCLA School of Medicine at founder ng Westwood Institute for Anxiety Disorders sa Los Angeles — maaaring mag-trigger ng excessive plastic surgery at excessive gambling behavior ang promotion.

"Definitely one thing reinforces the other one," aniya. "Both are addictions, and they're bad addictions."—AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.