Lolo, 81, panalo sa karera

Bandera - - FRONT PAGE -

MINNESOTA, USA— Natapos ng isang lolo nang mahigit limang oras ang unahan sa takbuhan na may haba na 21 milya.

Noong kalagitnaan ng takbuhan ay huminto pa si Jerry Johncock, 81, ng Shelbyville, Michigan, dahil kailangan nito ng catheter para sa kanyang sakit sa pantog.

Wala namang maibigay sa kanya ang mga organizer subalit isang nanonood ang kinuha ang sarili nitong catheter sa kotse niya at ipinahiram sa matanda na nagpatuloy naman sa pagtakbo.

Ayon sa mga organizer, natapos ni Johncock ang race sa loob ng limang oras at 22 minuto.

Tinangka pang i-disqualify ng mga organizer si Johyncock dahil nagpatulong ito, subalit sinabi ng mga opisyal na walang nilabag na regulasyon ang matanda.

“Mr. Johncock is a great role model and ex- ample of what you can do as a runner," ani executive director Virginia Brophy Achman.

Tuwang-tuwa naman ang asawa nitong si Darlene sa naging desisyon. —AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.