Alahas itinakbo ng clowns

Bandera - - FRONT PAGE -

MEXICO CITY, MEXICO—Sinampahan ng kasong pagnanakaw kamakailan ang dalawang lalaki na tumangay umano ng $900,000 halaga ng alahas habang naka-costume ng clown.

Hindi nakilala ang dalawang suspek na kabilang sa grupo na pumasok sa isang tindahan ng alahas sa siyudad ng Guadalajara na pawang nakadamit at nakamaskara ng clown.

Makaraan ang pagnanakaw ay narekober ang mga costume sa isang inabandonang sasakyan.

Kamakailan ay isiniwalat ng mga otoridad na naaresto na ang tatlong miyembro ng sindikato. Dalawa sa mga ito ang sinampahan ng kaso habang iniimbestigahan pa ang ikatlo.

Isa sa mga nahuli ang umamin na kabilang siya sa nanloob sa tindahan ng alahas.—AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.