Umaming mahal na mahal pa rin si Robin

Higanteng ‘Bungisngis’ makikilala sa ‘AHA!’

Bandera - - FRONT PAGE -

BAGO pa man batuhin ng kung anu-anong masasakit na salita mula sa mga netizens, nagpasintabi na si Megastar Sharon Cuneta sa pagbabalik-tanaw niya sa love story nila ni Robin Padilla.

Nag-post kasi si Sharon sa Facebook at Twitter ng mahabang mensahe tungkol sa pinagsamahan nila noon ng kanyang ex-boyfriend na si Binoe. Samu’t saring komento ang nabasa namin mula sa followers ng TV host-actress, may nagalit at may na-bad trip, pero meron din namang kinilig.

Siyempre, may na-offend din para sa asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan at sa misis ni Robin na si Mariel Rodriguez.

Narito ang ilang bahagi ng FB post ng Megastar: "Huwag sana masamain at bigyan ng malisya ng ibang tao ang pag-post ko ng photos at mga kuwento namin ni Robin.

"He happens to be the closest to me among my exes, and truth be told, it took a long time - many years - for us to reach this stage dahil sa hindi masasayang parte ng history namin, kaya mahalaga sa akin ang maalagaan ang friendship namin na ito. Si Robin ang laging dumadamay sa akin at nasusumbungan ko.

"Siya ang nakakagulat na handang sumuporta sa mga trabaho ko. When my Mommy died, siya lang ang nagpunta sa wake ng dalawang beses at nag-attend ng mass among all my exes. Wala akong ex na maituturing kong totoong naging friend ko after breaking up, except for Rowell.

"But I am closer pa yata to Kuya Randy than to him now. Huwag po kayong mag-alala. Sa 26 years naming magkakilala ni Robin, sa unang 5 years noon ay ilang beses niya ako sinubukan balikan pero di ko po talaga kinaya kahit gusto ko. Kaya kung gusto ko siya as a lover or husband at di ako takot, sana noon pa!

"Mula nu’ng bata ako NEVER po akong nagpakita ng motibo o humabol o lumigaw sa mga naging boyfriends ko. Kahit siguro tanungin niyo silang lahat, pati na rin mga direktor ko at kasama sa shooting, sasabihin nila totoo po yun. Pati si Kiko tanungin niyo!

"Kasi di naman ako gandangganda sa sarili ko at nagugulat pa nga ako pag may naiin-love sa akin na di ko ini-expect noon! Alam nila yan.

"At ako kasi ayoko nung wala akong satisfaction kung di ako ang niligawan at minahal talaga, kasi eh di buong relationship namin takot ako kasi di naman siya ang unang nagkagusto sa akin!

"I am very happy for Robin and Mariel and their new family. I know how much Robin loves her and he knows how precious my family is to me, too. Please, ang tanda na namin! Hahaha!

""I have been and will continue to post photos and maybe more kuwentos about us so that this new generation will know that during our time, para siguro kaming sina Kathniel o Lizquen o Jadine ngayon.

"And also more importantly, for our fans who grew up with us and fell in love with our movies and team-up. I love him and he loves me, pero wala na po kaming ‘M’ (malisya! Hahaha!) sa isa't isa. We just want to make you happy and enjoy working together again.

"So relax lang po! Mahal ko po si Robin pero kung wala si Kiko sa buhay ko, ang babalikan ko isa lang. Hindi na rin puede kasi may asawa na rin siya. At sorry, di niyo po ever malalaman kung sino at di niyo kilala.

"May MOVIE po kaming bago after so many years! So I hope kung mahal niyo kahit siya lang, instead of putting malice in my posts, you help us na lang and our movie po!

"Para din sa mga pamilya at sa aming dalawa ang anumang magiging success ng project na yon. Okay po?! Peace and love, everyone! God bless us all." ang huling mensahe ni Sharon.

Patuloy ang nangungunang infotainment show na AHA! sa paghahatid ng isang buwang kilabot, saya, at kaalaman sa AHA! Monster Fest kasama si Drew Arellano. At kung may "cyclops" sa Greek mythology, meron naman "Bungisngis" sa Pilipinas. Mula sa mga kuwentong bayan ng Bataan, ang Bungisngis ay isang pambihirang higanteng nilalang na may isang mata sa bandang noo, at panay ang tawa at hagikgik.

Sa kuwento ngayong Linggo, mapapaibig sa magandang dalagang si Betty (Klea Pineda) ang isang Bungisngis, at dahil bulag si Betty, wala siyang kamalay-malay na halimaw pala ang kaniyang manliligaw. Nang lumabas ang pagiging sobrang seloso at marahas nito, kailangan nang gumawa ng paraan si Betty para tuluyan nang mawala ang Bungisngis sa buhay niya bago pa mahuli ang lahat. Ano kaya ang gagawin ni Betty?

Samu’t saring saya, kaalaman at katatakutan ang hatid sa inyo ng AHA! Monster Fest ngayong darating na Linggo, kasama si Drew Arellano, 8:30 a.m. sa GMA. SUPALPAL ang nagsasabing lilipat na ng network si Janine Gutierrez. Dumalo kasi sa Star Magic Ball ang Kapuso actress kasama ang nali-link sa kanyang si Rayver Cruz kaya may lumutang na ganoong tsismis.

“Hindi po totoo ‘yon!” bulalas ni Janine nang makausap ng ilang members ng entertainment press. Ang paglipat ng bagong management ang ginawa niya. Kumalas na siya sa GMA Artist Center na comanager ng ina niyang si Lotlot de Leon nu’ng pasukin niya ang showbiz.

Si Leo Dominguez ng LVD Management ang manager ngayon ni Janine. Ayon naman kay Leo, under negotiations na ang bagong kontrata ng aktres sa GMA. Sa ngayon, natapos na niya ang horror movie na "The Spirit of the Glass 2" at patuloy na tini-tape ang digital series na The Unbroken Hearts.

Komo si Rayver ang kadate niya sa SM Ball, patuloy pa rin ang tsismis na may relasyon na sila na kanyang itinanggi. “Career muna ang focus ko. Mahirap ang focus sa work kapag may boyfriend. Chill, chill lang muna. Enjoy, enjoy lang kami ni Rayver,” saad ni Janine.

ROBIN PADILLA AT SHARON CUNETA

GERALD SIBAYAN AT AI AI DELAS ALAS

DREW ARELLANO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.