Goodbye, Tokhang

Riding-in-tandem, target ng PNP

Bandera - - FRONT PAGE - Ni John Roson

IPINATIGIL na ng National Police ang Project Double Barrel at Oplan Tokhang matapos iutos ni Pangulong Duterte na di na kasali sa giyera kontra iligal na droga ang pulisya.

Bukod sa mga naturang programa, ipinabuwag na rin ang mga drug enforcement unit (DEU) ng pulisya, ani PNP director for operations Dir. Camilo Cascolan.

"All DEUs from police regional offices down to police stations are hereby dissolved. You may convert the DEUs to detectives/intel operatives responsible for detection, prevention, and solution of street crimes," sabi ni Cascolan sa mensahange ipinadala sa mga ground commander.

Sa kabila ng pagbuwag sa mga DEU, mananatili ang PNP Drug Enforcement Group pero limitado na sa pangangalap ng intelligence information na ipapadala sa Philippine Drug Enforcement Agency, anang opisyal.

"Additionally, cases under investigation once found out to be drug-related, shall be immediately transferred to PDEA," aniya.

Ayon kay Cascolan, sa ngayon ay itutuon ng PNP ang pansin nito sa paglaban sa "street crimes," lalo na ang mga gawa ng mga armadong nakamotorsiklo.

"One of the major street crimes now destroying the reputation and credibility of the PNP is the non-stop occurrence of shooting incidents by riding-in-tandem suspects. As directed by the chief PNP, everyone shall focus on the significant decrease, if not putting a stop, to this street crime. This shall henceforth be the focus of evaluation," anang opisyal.

Matatandaang inatasan ni Duterte ang PDEA na siya nang maging lead agency na sa mga operasyon kontra-droga.

Ginawa niya ito matapos bumagsak ang kanyang net at trust rating, ayon sa mga tagamasid bagaman itinanggi ito ng mga opisyal ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.