Bagyong Odette lalayas na ng PH

Bandera - - FRONT PAGE -

BUKAS ay inaasahang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Odette.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahang aakyat sa kategoryang tropical storm ang bagyo bago ito naglandfall kagabi sa Cagayan.

Kahapon ang bagyo ay mayroong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugsong 65 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 30 kilometro bawat oras pakanluran.

Ngayong umaga ang bagyo ay inaasahang nasa layong 50 kilometro sa Laoag, Ilocos Norte. Bukas ay nasa layong 575 kilometro na ito sa Laoag.

Kahapon itinaas ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa Batanes, Cagayan kasama na ang Babuyan group of Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte at Ilocos Sur. Habagat parating

Samantala, idineklara

ng Pagasa na tapos na ang panahon ng Habagat.

Nangangahulugan na unti-unti nang bababa ang malamig na hangin mula sa hilaga o Amihan na siya namang magpapalamig sa parating na Kapaskuhan.

“The climate of the Philippines is on the process of transition and the

gradual onset of the Northeast Monsoon Season is expected in the coming days, with a reversal of the winds from southwest to northeast.”

Kadalasan na nararamdaman ang malamig na panahon sa bansa kapag Oktubre at nananatili hanggang sa Pebrero.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.