Babae patay sa apartelle

Bandera - - FRONT PAGE -

NATAGPUANG walang buhay ang babae sa isang apartelle sa Quezon City kahapon ng umaga.

Walang nakitang external injury sa katawan ng Girlie Villahermosa, 48, ng Brgy. Bagong Silangan, kaya palaisipan sa pulisya ang sanhi ng pagkamatay nito. Ayon sa ulat ng pulisya, nag-check in ang biktima kasama ang isang lalaki sa Diliman Apartelle sa Brgy. Matandang Balara alas1 ng umaga. Nagbilin umano ang dalawa na gisingin sila ng 3:55 ng umaga. Alas-2 ng umaga ay lumabas ang lalaki para manigarilyo pero hindi na ito bumalik. Kinatok ng empleyado ang biktima ng ilang minuto at ng walang sumagot ay pinihit niya ang door knob at bumukas ito. Hindi na umano mag- ising ang biktima kaya tumawag na ng pulis ang mga empleyado. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.