Du30 sa ambassadors ng EU countries: Magsilayas kayo!

Bandera - - FRONT PAGE - Ni Bella Cariaso

BINIGYAN kahapon ni Pangulong Duterte ng 24 oras na ultimatum ang mga ambassador ng iba’t ibang bansa na kasapi ng European Union (EU) na umalis ng Pilipinas bilang sagot sa bantang aalisin ang bansa bilang miyembro ng United Nations (UN).

"You leave my country in 24 hours. All of you," sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos pasinayaan ang briefing room sa New Executive Building (NEB) kahapon.

Kasabay nito, naghamon si Duterte na totohanin ang banta na alisin ang Pilipinas sa UN.

"Exclude us from the UN? P ***** in* n'yo! Gawin n'yo!" dagdag ni Duterte.

Kampante naman ang Pangulo na susuportahan ang Pilipinas ng mga kaalyadong bansa.

"Do you think China and Russia will allow it?" ayon pa sa kanya.

Nakatanggap dun ng mura ang mga miyembro ng EU.

"Estupido, g***, torpe," ayon pa kay Duterte.

Ito naman ang reaksyon niya sa banta kamakailan ng pitong miyembro ng delegasyon ng EU na maaaring matanggal ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).

Muli ay binatikos ni Duterte ang pakikialam ng EU.

" Do not f*** with us," giit ni niya. "I won't allow anyone, not even the United States, to dictate on us," ayon pa sa kanya.

Isa ang Pilipinas sa mga founding members ng UN.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.