AGA: MAY MGA ARTISTANG NANG-API SA AKIN NOONG NAGSISIMULA AKO!

Erich, Patrick patutunayang may ‘forever’

Bandera - - FRONT PAGE - BY ERVIN SANTIAGO

PURING-PURI si Aga Muhlach ng mga co-stars niya sa pelikulang "Seven Sundays" under Star Cinema na showing na ngayon sa mga sinehan.

Walang masasabing nega sina Dingdong Dantes, Cristine Reyes, Enrique Gil at Ronaldo Valdez kay Aga, bukod daw kasi sa napakaprofessional nito ay napakabait din ng aktor sa production, lalo na sa mga maliliit na trabahador ng Star Cinema.

“It’s flattering and, at the same time, it’s embarrassing when you’re being praised in front of madaming tao. But, you know, I’ll take it. Thank you, maraming salamat.

“In my experience, and even with my co-actors, wala akong inaaway, wala akong kinaiinggitan," ang pahayag ni Aga sa nakaraang presscon ng "Seven Sundays".

Dito rin inamin ni Morning na nakaranas din siya ng pang-aapi mula sa ilang artista na nakatrabaho niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Naramdaman ko rin, kasi dati, meron ding mga artistang nang-api sa akin nu’ng bago pa lang ako. May nakita akong...kapag bagong sikat, makikita mo yung attitude nila na parang dadaanan ka na, parang, ‘Ba’t ganu’n?’” sey pa ng mister ni Charlene Gonzales.

Mula raw noon, palagi niyang sinasabi na kailangang maging mabait siya sa kanyang mga katrabaho para walang masabing masama sa kanya.

“Basta sinabi ko lang nu’n, nagdiin sa utak ko, yung sabi ko, ‘Pag ako nakapuwesto ako nang maganda, ‘yan ang hindi ko gagawin habang buhay.’ So, lahat ng nakasama ko, kahit mga bago, kahit matandang artista, ‘yung paggalang ko bilang tao, hindi ko iaalis yun.”

Nang tanungin si Aga kung sino ang mga artistang nang-api sa kanya noon, “Wala na sila. Wala na sila.”

Magbabalik si Erich Gonzales ngayong Sabado sa longest-running drama anthology sa Asia, ang Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Gaganap ang Kapamilya actress bilang si Mae, isang dalagang dumaan sa iba’t ibang hamon ng buhay ngunit hindi sumuko dahil sa kanyang pagmamahal sa lalaking nagparamdam sa kanya ng tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Nang dahil sa mga kinakaharap na problema, sumali si Mae sa isang grupo ng mga hikers sa paniniwalang maliliwanagan ang kanyang isip sa mga bagay-bagay na bumabagabag sa kanya. Sa pag-akyat nila ng Mt. Daraitan, nakilala niya si Pio (Patrick Garcia) na naging kasintahan niya dahil na rin sa walang sawa nitong panliligaw sa kanya.

Nang mabuntis si Mae, nag-propose agad si Pio sa kanya at nangakong pananagutan ang batang nasa kanyang sinapupunan. Ngunit biglang masisira ang lahat ng kanilang plano sa buhay nang ma-diagnose si Pio ng Viral Encephalitis, isang sakit na nakakapagbura sa mga alaala ng taong meron nito.

Sa takot na mawala sa kanya ang taong pinakamamahal at magiging tatay ng kanyang anak, ginawa ni Mae ang lahat para hindi makalimutan ni Pio ang tungkol sa kanilang love story.

Makayanan kaya ni Mae ang panibagong pagsubok na ito?

Bukod kina Erich at Patrick, makakasama rin sa MMK episode na ito sina Mickey Ferriols, Glenda Garcia, Alvin Anson, Simon Ibarra, Joshua Zamora at Lemuel Pelayo. Ito’y sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at sa panulat ni Mary Rose Colindres.

Napapanood pa rin ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng Little Big Shots.

Sa kanyang kauna-unahang dokumentaryo sa GMA Network, isang natatanging paglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng karagatan sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang gagawin ng environmental journalist na si Atom Araullo sa Philippine Seas.

Ang Pilipinas ang isa sa may pinakamayamang karagatan sa buong mundo. Dito matatagpuan ang ilan sa mga natatanging marine species at coral reefs. Marami sa ating mga kababayan, sa karagatan pa rin patuloy na umaasa. Subalit ang yamang ito ng bansa, nahaharap ngayon sa iba’t ibang mga banta.

Bibisita si Atom sa mga karagatan ng Visayas para siyasatin ang kasalukuyang kalagayan ng mga dolphin sa Bais, Negros Oriental, ang world-class na sardine run sa Moalboal, Cebu, at Mantalip Reef sa Tanon Strait.

Samahang maglakbay, pumalaot, at sumisid si Atom Araullo sa Philippine Seas ngayong Nov. 5, 3:30 p.m. sa GMA. SA wakas, nagsalita na rin si Nadine Lustre tungkol sa pagpapakamatay ng kanyang younger brother na si Isaiah. Sa pamamagitan ng Instagram, nakiusap ang aktres na huwag nang i-post at i-share ang mga litrato at video na kuha sa burol ng kapatid.

“Let’s give respect. This is for EVERYONE. Thank you,” ang unang mensahe ni Nadine.

Sinagot din ng dalaga ang mga netizens na nangnenega sa kanya kaugnay ng pagpapakamatay ni Isaiah. May mga nagsabi kasi na tila hindi raw siya affected sa nangyari sa kapatid at inuuna pa raw ang kanyang lovelife.

“To everyone who’s been judging me for the past few days, remember this. You will always see me UP but never DOWN. So wag niyong hanapin. Get lost please.”

Dugtong pa niya, “And to everyone who’s been sharing me stories of weakness Im reading. Wat for me… I GOT U."

Ilang celebrities din ang nagpahayag ng suporta kay Nadine gaya ng mag-asawang Gary at Angeli Valenciano at Bianca Gonzales.

Sa pagkakatanda namin, ang huling celebrities na nakaranas ng ganitong dagok sa buhay ay ang magasawang Noni at Shamaine Buencamino nang matagpuan nilang patay ang anak nilang babae.

Naging tikom din ang bibig ng mag-asawa tungkol sa tunay na rason kung bakit nagpatiwakal ang kanilang dalagitang anak.

Lumarga na rin sa showbiz ang winners ng nakaraang Miss World Philippines. Pumirma na movie contract sa Regal ang limang winners kabilang ang kinoronahang Miss World-PH na si Laura Lehmann bilang bahagi ng premyo sa pageant.

Para kay Laura, naiiba ang Miss World sa ibang beaut y pageants. Iba’t iba kasi ang ginagawa nila gaya ng segment na Beauty with a Purpose.

“It’s very holistic pageant, It’s very different from Miss Universe. It’s not just a show. It’s a showcase. In Miss World, we have different segments. For example, we have a Beauty with a Purpose project.

"So when we go there we have to bring for charity. We have talent competition, multi-media and different things. So ‘yung preparation has to focus on all aspects,” pahayag

f pag Miss Wo “I think I le knew how to h better,” bulalas n

Kung pipi man sa pelikul si Piolo Pascua listahan niya.

Bukod kay Millennial Beau sina Wywin M HispanicaAm pinas; Sophia S

ERICH GONZALES AT PATRICK GARCIA

AGA MUHLACH

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.