Juday, Angelica nagpaka-fan girl kay Steven Seagal

Sey mo Empoy, Hollywood actor ang bagong ka-loveteam ni Alex

Bandera - - FRONT PAGE -

Multinational Philippines; Cynthia Thomalia, Miss Eco Philippines at Glyssa Leiann Perez, First Princess.

Present ang maginang Lily at Roselle Monteverde, at Miss World-PH franchise owner Arnold Vegafria na tumatayo ring manager ng winners.

little crazy Asian!!!

From time to time, we check her Instagram account for some items here in our column and she never fails to impress and to amuse us.

Just recently, her daughter Dominique’s school friends in London came for a short vacation here. Siyempre pa’y si La Greta ang punong abala sa pag-estima sa mga ito. She treated them to a dinner with her best friend Mimi Que. They were having a good time sa sosyal na resto.

Then, in two Instagram post, La Greta showed her playful self. Tulak-tulak niya ang grocery cart habang nakasakay doon si Dominque. Kaloka talaga ang eksena nila sa isang sosyal na grocery. People were looking at them with amusement.

At one point, parang nahihiya na si Dominique sa ginagawa ng kanyang ina. She was making takip na her face by her hand or by her hair.

But obviously, the magina were enjoying their grocery trip. Kasama pa ang isang male classmate ni Dominique habang naggo-grocery sila.

“Supermarket shopping with my little one @Dominique & her classmates from London. the joy of motherhood. This is what every good & responsible mother would do, get her child dizzy,” caption ni La Greta sa IG photo niya.

Kaaliw sina Angelica Panganiban at Judy Ann Santos.

Mukhang kinilig kasi sila when they spotted Hollywood actor Steven Seagal while in a resto recently. Steven is in the country dahil isa siya sa special guests sa Miss Earth 2017.

Sa chika ni Juday sa kanyang Instagram account, si Joross Gamboa ang nakakita kay Steven.

Anyway, nag-post ng picture sina Judy Ann at Angelica kasama si Steven at ilang cast and crew ng movie nilang gagawin.

“Nakita namin si Steven Seagal, habang may bonding/workshop kami eh d ko alam bakit ako tuwang tuwa. #AngDalawangMisisReyesMeetsSte venSeagal,” caption ni Angelica sa kanyang IG photo.

“Akalain mo nga naman .... parang joke yung asa isang restaurant kami ni Steven Seagal! Ang talas ng mata nitong joross e! buti na lang!” say naman ni Juday.

First time ni Alessandra de Rossi na magsulat ng story for a film at pagbidahan ito.

We’re referring to “12”, a drama-romance na pinagbibidahan ni Alessandra kasama ang baguhang si Ivan Padilla, a Pinoy actor na nakagawa ng Hollywood films at TV shows. Pinsan ni Ivan si Daniel Padilla at tiyo niya si Robin Padilla.

“First time (ko sumulat). Hindi ako writer, hindi ko ini-expect. Kilala n’yo naman ako. Kapag nabo-bore ako ay kung anu-ano ang ginagawa ko. Gagawa ako ng kanta, gagawa ako ng music video. Magsulat kaya ako ng ano, isang mabigat na pelikula,” chika ni Alessandra.

“Actually, itong movie na ito sinulat ko before 'Kita Kita'. Kaya lang, ano muna siya, sa gilid-gilid muna siya. After 'Kita Kita', naalala ko.

"Ang totoo niyan, kaya hindi nagagawa ang movie na ito before, nagawa ko ito January last year, is because hindi kami makahanap ng tamang leading man kasi masyadong important ‘yung role ng lalaki.

"Sino kaya ang puwede? Ang ending, nakalimutan na ’yung project. After 'Kita Kita' nahalungkat ko uli. ‘Ano ba, maghanap na tayo ng leading man kahit baguhan basta magaling umarte. Ayoko kasi ng maraming walls, kapag kaeksena mo ang hirap-hirap todasin.

“Si Dondon Santos, ‘yung director, nagsabi siya sa Facebook na ‘who’s willing to work with Alessandra de Rossi, walang bayad, small project lang.’ Tinag itong si Ivan. ‘Uy, puwede ito, ha. Pagcheck ko reel niya, ang galing. Sabi ko, ‘direk, nahanap ko na ang leading man ko. Siya na finally.”

Nagsalita na rin sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pamba-bash kay Angel Locsin nang bumalik siya sa La Luna Sangre.

“Nagtatrabaho siya (Angel), ang dami niyang ginagawa yet pumayag siyang mag-taping para sa aming programa, tapos ngayon binabash na lang siya ng ganu’n. It's very wrong, very very wrong and ang hassle lang sa feeling," ani Daniel.

"Simula pa lang noong show, pini-pitch pa lang and hindi pa nag-start mag-taping, andiyan na si ate Angel, andiyan na 'yong suporta niya ns malaking bagay para sa amin.

"Puno kami ng pasasalamat sa show. Hindi mabubuo ang La Luna kung wala ang mga taong ito. Sila ang nagsimula nito,” say naman ni Kathryn.

“Pamilya kami doon. Lahat kami isa lang ang goal kung hindi pagandahin ang show and lalo pang mahalin ng mga tao,” saad pa ni Daniel.

DANIEL PADILLA GRETCHEN BARRETTO ANGEL LOCSIN ALESSANDRA DE ROSSI AT IVAN PADILLA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.