ELLEN TINAWAG NA ‘BLOGGER JOWA’ SI JOHN LLOYD, ITINULOY ANG BONGGANG ‘HONEYMOON’ SA PARIS

Direktor ng Darna, Dyesebel, Bituing Walang Ningning pumanaw na Derrick Monasterio: Wala akong planong iwan ang GMA!

Bandera - - FRONT PAGE -

PUMANAW na ang veteran writer-director na si Emmanuel "Maning" Borlaza matapos atakihin sa puso. Siya ay 82 years old.

Ang malungkot na balitang ito ay kinumpirma ng pamangkin ni direk Maning na si Roy Ramirez. Ang kanyang labi ay nasa Loyola Memorial Chapel sa Sucat, Parañaque.

Bukod sa pagiging Vice Chairman ng MTRCB, siya rin ang tumatayong chairperson ng Directors’ Guild of the Philippines, Inc..

Mahigit 20 pelikula ang ginawang obra ng yumaong direktor kabilang na riyan ang mga pelikula ng Star For All Seasons na si Vilma Santos tulad ng "Bakit Kailangan Kita?" "Gusto Ko Siya Mahal Kita," "Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas", "Dyesebel" "Darna And the Giants" at "Lipad, Darna, Lipad!"

Siya rin ang nagdirek ng mga blockbuster movies ni Sharon Cuneta na "Bituing Walang Ningning," "Bukas Luluhod Ang Mga Tala" and "Dapat Ka Bang Mahalin."

Si direk Maning din ang nasa likod ng 1996 remake ng "Dyesebel" na pinagbidahan ni Charlene Gonzales.

Bumuhos naman sa social media ang pakikiramay ng mga local celebrities at mga kaibigan ni Direk Maning, kabilang na riyan sina Lea Salonga, Director Joey Reyes at mga kasamahan niya sa MTRCB.

Taliwas sa mga balitang lumabas kahapon, pinabulaanan ng GMA Artist Center na aalis na sa kanilang poder ang hunk actor na si Derrick Monasterio.

At para hingin ang panig ni Derrick, pinadalhan namin siya ng mensahe para linawin ang balitang lumabas. Ayon sa kanya, “I don’t know where the issue came from but I definitely don’t have plans to transfer.”

Ibig sabihin, nananatili pa ring loyal ang binata sa Kapuso Network at wala siyang plano na mag-ober da bakod sa ibang istasyon.

Samantala, ayon sa aming source, may niluluto ng bagong programa ang GMA para sa actor na tiyak na ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga. In fairness naman kay Derrick, pwedeng-pwede na siyang maging ultimate leading man ng GMA dahil bukod sa taglay na kaguwapuhan at matikas na katawan, may napatunayan na rin siya sa larangan ng pagarte..

Tila kumpirmasyon na rin ang naging sagot ng controversial sexy star na si Ellen Adarna sa tanong kung ano ba talaga sa buhay niya si John Lloyd Cruz.

Sa isang post ng dalaga sa kanyang Instagram account, tinawag

Nasa Paris, France ngayon sina John Lloyd at Ellen para sa isang mahabaang bakasyon. Galing na sila sa Morocco last week. Sunudsunod na ipinost ni John Lloyd ang mga photo nila ni Ellen sa nasabing bansa na may caption na: “First night ng mga buang (baliw).”

Marami namang kinilig sa palitan ng message ng dalawa noong nasa Morocco pa sila. May ipinost si Ellen ng top view ng mga building doon at nagkomento naman si John Lloyd ng, “Di ko naisip tumingala, e. Sobra nang ganda ang nakikita ko sa baba.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.