YOUNG ACTOR HINDI NALILIGO ARAWARAW KAYA MAY KAKAIBANG AMOY

Bandera - - FRONT PAGE - BY JOBERT SUCALDITO

PAGKAGISING ko kahapon ay bumungad agad sa inbox ng cellphone ko ang balitang pumanaw na ang mabait na movie direktor na si Tito Maning Borlaza.

Medyo nalungkot ako. Naalala ko tuloy ang mag-inang Ms. Divina Valencia and Dranreb Belleza who are very close kay Tito Maning. Sila ang nagpakilala sa akin sa pamosong direktor long time ago and from then on, may space na siya sa puso ko. Everytime we bump into each other, nagbebeso kami, kasi nga mataas ang respeto ko sa kaniya. Hindi man kami nagka-chance to bond pero magaang ang loob ko sa taong ito.

Ang sabi ay nahulog daw sa hagdan si Tito Maning na siyang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Pero noon pa man ay balitang nagkasakit na ito and is into some maintenance. Mahirap dintalagapag nagkakaedad ka na, kahit sa paglakad or pagbaba ng hagdan we must be very careful - extra careful dahil matitigas na ang mga buto natin. Mahirap nang gamutin.

Kilala si Tito Maning Borlaza sa kanyang short maong shorts. Iyan ang napi-picture ko sa kanya lagi. And he is sooo charming during his younger years. Matalino at makuwento. Kaya nakakatuwa siyang tingnan even from afar. Now that he's gone, sumalangit nawa ang kaniyang kaluluwa. We love you, Tito Maning.

Nakakaloka ang kuwento ng ilang sources natin tungkol sa isang super-crush kong young actor. Dahil hindi siya madalas maligo ay nagkakaelyahan roon na siya ng “amoy”.

Natawa naman akong bigla sa chika about my super-love na ilusyon. Sikat pa naman kaya paano natitiis ng mga kasama niya ang kanyang amoy niya? Madalas pa naman siyang nasa audience.

"Sanay na kami. Ha! Ha! Ha! Sanayan lang iyan," sabi ng isang close friend ni young actor.

Kasi naman, hindi raw kaugalian masyado sa bansang pinanggalingan niya ang madalas maligo dahil iba ang klima roon. Malamig doon kaya karamihan sa kanila ay minsan lang mapatakan ng water. Unlike dito sa atin, dahil tropical country ito kaya medyo mainit.

Hindi puwedeng di ka maligo araw-araw rito dahil feeling mo nangangati ka. Hoy, hindi kating ha, yung tunay na nangangati ka pag feeling mo di ka malinis.

Sabi ko naman sa friend kong nagkuwento sa akin tungkol sa medyo may amoy daw ang crush ko, oks lang sa akin. Pagtitiyagaan ko na lang b a s t a m apasaakin lang siya. Ha! Ha! Ha! Tuturuan ko siyang maligo araw-araw. Kung gusto niya, ako pa ang magpaligo sa kaniya. Ha! Ha! Ha! Ilusyunada!!!

Bukas na ang selebrasyon ng 50th anniversary ng nag-iisang Superstar nating si Nora Aunor kaya bising-bisi ang mga fans niya sa paghahanda. Yes, dadalaw kami sa event, gusto naming makita ulit si Mama Guy na matagal-tagal na rin naming di nakakatsikahan.

Masarap kasing kakuwentuhan si Mama Guy dahil puro bungisngisan. Gusto niya kasi palaging masaya lang ang kuwento. Ayaw niya ng nega kaya nakakatuwa.

Congrats, Mama Guy.

NORA AUNOR

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.