Heart Enemies

Bandera - - FRONT PAGE -

LUMABAS sa kuweba ang apat at tuwangtuwa nang nakumpirmang tumigil na nga ang ulan.

“Hindi na malalapa ang beauty ko ng mga tigre!” Sigaw ni Nanette.

“Matutuloy na ang pagkabilyonaryo natin!” Sigaw ni Eric.

Pero may palihim na naman silang tinginan ni Arnulfo.

Na hindi nakalusot kay Charlene. Napansin niya iyon.

HABANG nanghuhuli ng mga isda si Dave, kinausap ni Charlene sina Eric at Arnulfo.

“Tatakasan ninyo kami, ano? Pinag-iintresan ninyo ang aming shares ni Dave.”

“Kung gusto mo, Charlene, sumama ka sa amin. Pero kalahati lang ng share mo ang ibibigay namin sa iyo.”

“At ang kay Dave?” “Siyempre, kukunin namin ang sa kanya nang buo. Tapos iiwan namin siya dito. Ikaw, isasama ka namin. Kapag hindi ka nagsumbong sa pilotong ‘yan. Kapag nagsumbong ka, pareho na lang namin kayong ililibing ng buhay dito sa isla. At amin na ang kayamanan ninyo.”

Nanggigil si Charlene. “Ang kapal n’yo rin, ano? At mga gahaman!”

“Gahaman kami sa yaman. Pero ikaw, gahaman ka sa lalaki! Ayaw na nga sa iyo ni Dave, ipinipilit mo pa rin ‘yang sarili mo.”

Tawanan sina Eric at Arnulfo, tinutuya si Charlene.

“Gahaman ako sa lalaki pero sa iisa lang ako in love. Kay Dave lang. Kaya payag akong dalhin din ninyo ang mga shares namin. Basta tiyakin n’yo na kasama ko dito sa isla si Dave.”

“Iyon lang pala. Deal!” “Talagang ipagpapalit mo ang share mo ng yaman sa Dave na ‘yan? Ilang kupido ba ang pumana sa puso mo?”

“Huwag mo nang pakialaman ang pag-ibig kong baliw. O ano, kailan kayo aalis na hindi ninyo kami kasama lalo na si Dave?”

“Itatali namin si Dave mamayang gabi. Pero itatali ka rin namin. Kunwari lang na dalawa kayong binibiktima namin. Hindi ka niya

mapaghihinalaang kasabwat.”

“Malay mo, Charlene … mai-in love pala sa iyo si Dave kapag pinapalabas namin na biktima ka rin.”

Namilog ang mga mata ni Charlene. Na-excite.

“Okay na plano ‘yan. Pero tiyakin n’yo na maluwag lang ang tali ko, si Dave ang higpitan ninyo. Dahil pag-alis ninyo, kailangan makakawala ako. Alangan namang walang magtatanggal ng tali kay Dave? Baka wala nang huhuli ng mga pagkain namin dito sa isla.”

“Oo, alam namin ‘yon. Pang-Famas ang gawin mong acting, okay?”

Ngumisi rin si Arnulfo. “Bukas, bye-bye Dave and Charlene. The paradise is yours. Sana nga kapag kayong dalawa na lang dito sa isla, mapaibig mo na ang ulol na lalaking ‘yan!”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.