Finals rematch sisimulan ng Barangay Ginebra, Meralco

Bandera - - FRONT PAGE -

Laro Ngayon (Quezon Convention Center) 7 p.m. Barangay Ginebra

vs Meralco

(Game 1, best-of-7 Finals) HINDING-HINDI makakalimutan ng Meralco Bolts ang Game Six, isang taon na nakaraan, sa muli nitong pakikipagharap sa kampeonato kontra Barangay Ginebra San Miguel sa Game One ngayon ng 2017 PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon Province.

Ganap na alas-7 ng gabi sasariwain ng Bolts at Gin Kings ang naganap na kampeonato sa kanilang unang paghaharap para pag-agawan ang krusyal na unang panalo na nakakapagtakda ng direksiyon ng labanan para sa pinakahuling korona ng liga.

Halos abot kamay noon ng Bolts ang titulo ng ikatlong kumperensiya ng liga matapos kapitan ang 2-1 abante bago na lamang bumangon ang Gin Kings para itabla ang serye at tuluyang agawin ang korona mula sa buzzer-beating 3-pointer ni Justin Brownlee.

Ang tira ni Brownlee ay tumapos sa walong taong pagkauhaw ng Gin Kings sa korona.

Magkakaiba ang hangarin ng bawat manlalaro ng magkabilang koponan sa kanilang pagtuntong sa kampeonato bagaman inaasahan nilang magiging pisikal at mas mahirap ang kanilang magiging laban sa ikalawang paghaharap lalo pa na kapwa uhaw sa titulo ang bawat isa.

“I don’t want to say its personal, but it is about competitiveness. It’s just something that we have been going on for now,” sabi ni Joe Devance ng Ginebra.

“Honestly, we want to keep this a Meralco versus Ginebra, coach Black versus coach Cone, AD vs Brownlee,” sabi ni Jared Dillinger ng Meralco.

Hindi rin maitatatwa ang pagiging magkaribal ng mga import na sina Brownlee at Allen Durham. — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.