Triker tinodas sa simbahan

Bandera - - FRONT PAGE -

PATAY ang tricycle driver na binaril sa harap ng simbahan kahapon sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, naganap ang insidente alas-5 ng umaga, bago magsimula ang misa para sa ika-100 taon na anibersaryo ng aparisyon ni Virgin Mary sa tatlong bata sa Fatima. Aniya, pinaputukan ng riding-intandem ang tricycle driver na nag-aabang ng pasahero. Dead on arrival sa ospital ang biktima na nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamaril.—Radyo Inquirer SINIBAK sa pwesto ang jail warden ng Metro Manila District Jail na si Supt. Gemelo Taol bunsod ng mga nasabat na kontrabando sa isinagawang Oplan Greyhound sa bilangguan kamakailan.

Ayon kay Chief Supt. Deogracias Tapayan, acting chief ng Bureau of Jail Management and Penology, narekober sa operasyon ang ilang sachet ng shabu, paraphernalia at mga armas. Aabot din sa 40 piraso ng cellphone, 71 pakete ng sigarilyo at higit P88,000 cash ang nasabat sa mga selda. Ani Tapayan, "kasunod ng mga isinasagawang operasyon sa mga bilangguan ay ang pagpapanagot sa mga opisyal at tauhang nagpapabaya."—Radyo Inquirer, Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.