Ultimatum vs EU envoys binawi

Bandera - - FRONT PAGE -

BINAWI kahapon ng Palasyo ang 24 oras na ultimatum na ibinigay ni Pangulong Duterte para lumayas ng Pilipinas ang mga ambassador ng mga bansang kasapi aa European Union.

Sa briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na may paliwanag si Duterte ukol sa kanyang mga naunang pahayag.

"I’m sure these things are being clarified to… directly to persons concerned," sabi ni Abella.

Idinagdag niya na gumagawa na ng hakbang ang gobyerno para liwanagin sa mga kaukulang ambassador ang naging banta ni Duterte.

"I suppose all venues will be exhausted regarding that matter," ayon pa kay Abella.

Sa kanyang talumpati sa Malacanang noong Huwebes, binigyan ni Duterte ng isang araw ang mga EU ambassadors na lisanin ang Pilipinas matapos namang magbanta ang mga ito na tatanggalin ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations. —Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.