Duterte hataw pa rin sa ratings

Bandera - - FRONT PAGE -

NANANATILING mataas ang approval at trust rating ni Pangulong Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa survey na isinagawa mula Setyembre 24 hanggang 30, lumalabas na apat sa limang Pinoy ang aprubado at naniniwala sa pamumuno ni Duterte.

Bumaba ng dalawang porsiyento ang kasalukuyang approval rating ni Duterte mula sa 82 porsiyento noong Hunyo.

Bumaba rin ng isang puntos ang kanyang trust rating mula sa dating 81 porsiyento tatlong buwan na ang nakararaan.

Samantala, nakakuha naman si Vice President Leni Robredo ng 55 porsiyentong approval rating at 57 porsiyentong trust rating.

Bumaba ang approval rating ni Robredo ng apat na porsiyento, mula sa dating 61 porsiyento noong Hunyo at tatlong porsiyento ang kanyang trust rating mula sa 60 porsiyento.

Isinagawa ang survey sa 1,200 respondents sa buong bansa.—Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.