Biktima ng trahedya di matahimik

K

Bandera - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

ARAMIHAN sa mga Pinoy ay naniniwala sa multo. Ito ang ating kinamulatan.

Naniniwala tayo na may mga kaluluwa na hindi matahimik kaya nagmumulto. Sinasabi rin na nagmumulto ang mga tao na biglaan ang pagkamatay.

At sa mga malalaking trahedya, sinasabi na mayroong mga namamatay na nagmumulto.

Ayaw ninyong maniwala? Narito ang mga ebidensya.

Japan

Noong 2011 ay umabot sa 16,000 katao ang nasawi sa Took tsunami sa Japan.

Matapos ang trahedya, may mga taxi driver na nagsasabi na nakakapagsakay sila ng mga multo sa Ishinomaki at mga kalapit na lugar.

Nagsagawa ng pag-aaral si Yuka Kudo, isang sociology student ng Tohuko Gakuin University, at kinausap niya ang mahigit sa 100 driver bilang bahagi ng kanyang graduation thesis.

Sinabi ng lahat ng mga driver na nakapagsakay sila ng multo. Parang karaniwang pasahero lamang umano ang mga sumakay pero kapag napaandar na ang metro at naisulat na sa logbook ang pagsakay ay nawawala na ang mga ito.

Ayon sa isang driver, isang babae ang sumakay sa kanyang taxi at nagpahatid sa Minamihama district.

Sinabihan ng driver ang pasahero na wala nang nakatira sa lugar. Sinagot umano siya nito nang tanungin niya namatay na ito? Paglingon ng driver ay wala na ang babae.

Sa kuwento naman ng isang driver, isang lalaki ang nagpahatid sa kaparehong lugar. Pero pagdating doon ay wala na ang lalaki.

Sinabi ni Kudo na pare-parehong bata pa ang mga nagmumulto.

Wala namang driver na nagsabi na natakot sila o nakaramdam ng kakaiba.

Thailand

Lumikha ng tsunami ang lindol sa Indian Ocean noong Boxing Day 2004. Umabot sa 230,000 ang sinasabing nasawi sa Andaman coast.

Makalipas ang dalawang linggo ay marami ang nagsasabi na nakakakita ng multo.

Ayon sa tuk-tuk minivan driver na si Lek, pitong foreigner ang sumakay sa kanya at nagpahatid sa Kata Beach kapalit ng 200 baht.

Hindi pa nagtatagal ay nagkaroon ng kakaibang pakiramdam si Lek at paglingon niya ay wala na ang kanyang mga pasahero.

Natakot si Lek at naghanap na ng ibang trabaho upang masuportahan ang kanyang anak na babae. Hindi umano niya kakayanin ang multo.

Umalis na rin sa trabaho ang isang security guard sa isang hotel dahil nakakarinig umano siya ng mga boses. Maraming namatay sa hotel.

Sa Khao Lak, isang pamilya naman ang nakakatanggap ng tawag mula sa mga kamag-anak nilang pumanaw sa trahedya.

Titanic

Marami ng nasulat tungkol sa umano’y prediksyon na lulubog ang Titanic. Nakasulat umano ito sa isang nobela na naisulat bago pa man ginawa ang barko.

Bukod sa nobela, may premonition na rin umano ang kapitan na si Edward J. Smith na lulubog ang pinakamalaking sasakyang pandagat noong kanyang panahon.

Sa mga sulat na ginawa ni Smith, nabanggit niya na hindi magiging maganda ang paglalayag niya sa karagatang Atlantiko.

Sa isang sulat, sinabi niya na hindi siya masaya na inalis sa barkong Cymric at inilipat sa Titanic.

Dalawang araw bago lumubog ang barko, sumulat siya sa kanyang katapid na babae at sinabi na hindi niya pa rin gusto ang barko at mayroon siyang nararamdamang kakaiba.

Si Smith ay mayroon ng malawak na karanasan sa paglalayag at naging kapitan din ng barkong Olympic, na sister company ng Titanic.

Ayon sa kuwento ni Second Officer Leonard Bishop ng SS Winterhaven nakita niya ang multo ni UPANG maiwasan ang brownout, umapela ang lider ng Kamara de Representantes sa Energy Regulatory Commission na bilisan ang pagproseso ng mga aplikasyon ng mga foreign investor na nais magtayo ng planta ng kuryente sa bansa.

Ayon kay House minority leader Danilo Suarez hindi dapat patayin sa tagal ng proseso ang investor na nais magtayo ng P102 bilyong planta ng kuryente na makalilikha ng 1,000 MegaWatt.

“Remember the dark days when we had to buy and commission gas-powered Smith sa isa sa kanyang mga tour. Noong una ay hindi niya masabi kung ano ang kakaibang nararamdaman sa lalaki na kanyang kausap.

Nalinawan lamang niya ang lahat ng makakita ng litrato ni Smith.

Tornado

Tumama ang isang malakas na EF5 tornado noong May 22, 2011 sa Joplin.

Naipit sa lugar ang isang magulang o grandparent at isang bata.

Habang papalapit ang buhawi ay binuhat nito ang mga sasakyan at ginutay-gutay ang mga gusali.

Ang nakakagulat ay mistulang nilaktawan sila ng buhawi at hindi sila ginalaw.

Nagtanong ang bata sa kanyang kasama, kung nagagandahan din siya sa mga butterfly people na lumilipat malapit sa kanila?

Hindi nagtagal ay kumalat ang kuwento ng Butterfly People na sinasabing nagbibigay ng proteksyon sa mga tao laban sa buhawi.

Isang mural ang ginawa sa bayan ng Joplin at nilagyan ito ng mga paruparo. barges? It is crucial for the energy body to give the green light to applicants that complied with the regulatory requirements the authority to construct their power plants,” ani Suarez.

Noong nakaraang buwan ay limang beses nagpalabas ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines na nangangahulugan na bumaba ang lebel ng reserve power ng bansa.

Pinuna ni Suarez ang kabagalan ng ERC na aprubahan ang mga power supply agreement na kailangan bago makapagtayo ng planta ng

9/11

Marami ang nabigla sa pag-atake sa America noong 9/11 kung saan libo-libo ang namatay.

Ayon sa mga survivor, mayroong tumulong sa kanila kaya nakaligtas. Mayroon umanong nagguide sa kanila pababa sa North Tower.

May nagsabi rin na habang nasa ilalim ng mga bato, mayroong bumisita o nagpakita sa kanyang aparisyon na nakasuot ng damit ng mga monk. Marami ang nagsabi na nakakita nito.

Isa sa mga nakakita si NYPD police officer Sgt. Frank Marra na tumulong sa paghuhukay sa mga guho.

Sinabi niya na nakakita sya ng isang babae na nakasuot ng WWII Red Cross uniform na may bitbit na tray ng sandwich.

Inakala niya na ang babae ay isa sa mga first responder at ilang beses umano niya itong nakita.

Sa paglipas ng panahon ay nakalimutan na ni Marra ang kanyang nakita hanggang sa mapag-usapan nila ito ng isang retired crime scene detective na nakakita rin sa tinutukoy niyang nurse. kuryente.

Sinabi ni Suarez na noong 2012 ay humingi na ng clearance sa ERC ang isang investor para sa pagtatayo ng Atimonan One pero hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang ERC ang aplikasyon nito.

“We have to quickly resolve this and be considerate with investors; time is cost if we continue to delay the approval process,” dagdag pa ni Suarez.

Ang Atimonan One ay isa sa pitong planta na nais na kuhanan ng dagdag na suplay ng kuryente ng Meralco.

JA PAN

THAILAND

TORNADO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.