PDEA: Promise po, wala nang EJKs

Bandera - - FRONT PAGE -

NANGAKO ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na walang mangyayaring extrajudicial killings (EJKs) sa kanilang kampanya kontra-droga.

Tiniyak ni PDEA director Aaron Aquino na mahigpit na ipapatupad ang batas sa mga operasyon ng ahensya laban sa mga hinihinalang pushers at users.

“Sa amin wala naman talagang ganyan e. Wala naman talagang abuses. Kaya lang, dinadagdagan ko na lang ng ganyan para to have an assurance sa mga tao na very transparent ang PDEA,” ani Aquino.

Tinanggal ni Pangulong Duterte sa PNP ang pamumuno sa kampanya kontra droga matapos bumaba ang kanyang net at trust rating sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sinabi ni Aquino na 28 suspek sa droga at 11 miyembro ng PDEA ang nasawi matapos simulan ang kampanya ng gobyerno kontra droga noong isang taon.

“I feel deeply that the 28 drug personalities that died since July up to present (in antidrug operations) being conducted by PDEA were all (results of) legitimate operations,” aniya. —Inquirer.net

TITANIC

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.