Adik sa marijuana, ipinakulong ng GF

Bandera - - FRONT PAGE -

MISSOURI, USA— Tuluyan nang nabuwisit ang isang babae sa kanyang boyfriend kaya tumawag na siya sa 911.

Dinala kasi ang babae ng kanyang syota sa isang motel pero nang naroon na ay wala naman umanong ginawa ang lalaki kundi humithit ng marijuana.

Nakatanggap ng tawag ang dispatcher ng 911 mula sa isang babae na nagsabi na mayroong gumagamit ng marijuana sa motel. Pero nang kinukuha na ng pulis ang iba pang detalye ay bigla umanong pinutol ang tawag.

Upang makasiguro pinapuntahan ng dispatcher ang Forrest Manor Motel sa East Route 66, sa Lebanon kung saan na-trace ang tawag.

Pagdating ng mga pulis nakita nila ang babae na nagsabi na wala nang ginawa ang kanyang syota kundi ang humithit ng marijuana simula nang sila ay mag-check in.

Sinabi ng babae na isa pa sa kanyang ikinabubuwisit ay walang trabaho ang kanyang syota kaya naisipan niya na ipahuli na ito.

Nang hulihin ng mga pulis ay inamin ng 35anyos na lalaki na mayroon siyang marijuana pero nakalagay umano ito sa kanyang sasakyan.

Ibinigay niya sa mga pulis ang isang pipa na naglalaman nito.

Gusto umano ng babae na huminto na sa paghithit ng marijuana ang kanyang boyfriend at maghanap na ito ng trabaho upang maging normal na ang buhay nito.

Hindi naman malinaw kung nakipag-break na ang lalaki sa kanyang girlfriend. Kakaiba ang nakuhang tawag ng pulisya dahil ang madalas na natatanggap nilang tawag mula sa mag-syota ay pambubugbog.

Kadalasan din umano na magkasama sa bisyo ang mag-syota hindi katulad ng kasong ito. Pero nagustuhan naman ng pulisya na gusto ng girlfriend na umayos ang buhay ng kanyang syota. —AP

SAGOT SA OKTUBRE 7

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.