Holdaper napagod, nag-pizza

Bandera - - FRONT PAGE -

ARIZONA, USA— Nasakote ng mga pulis ang lalaki na nangholdap umano ng isang bangko matapos siyang pumunta sa pizza parlor para kumain at uminom.

Ang 56-anyos na si Henry Elmer ay mayroon na umanong mga naunang kaso ng panghoholdap at pagnanakaw.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya kaugnay ng holdapan sa Wells Fargo Bank na katapat lamang ng Yuma Police Station.

Pumasok umano ang suspek sa bangko na armahalaga do ng box-cutter knife at tumakas dala ang hindi mabatid na halaga.

May nakapagsabi sa mga rumespondeng pulis na pumunta si Elmer sa pizza restaurant.

Nahuli si Elmer ng mga pulis bago pa niya nakain ang kanyang order. Nakapagbayad pa umano ito gamit ang pera mula sa bangko.

Samantala sa South Carolina ay ninakaw naman ang mga coin-operated clothes dryers mula sa mga apartment complex dito.

Ayon sa pulisya, ang mga machine at nagkaka- ng $400 hanggang $1,500 bawat isa.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya. Naniniwala naman si Summerville Police Capt. Jon Rogers na ang mga barya ang talagang pakay ng mga suspek.

Dalawang magkasunod na araw umanong ninakaw ang mga dryer. Apat na dryer at isang washing machine ang una nilang kinuha sa apartment complex at sumunod na pinunterya ang katabing gusali doon kung saan kinuha ang limang dryer.—AP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.