Heart Enemies

Bandera - - HEART 2 HEART -

SI DAVE ay tutok sa panghuhuli ng isda. Gusto niyang makapaghanda ng pagkain na masagana at masarap bago sila aalis ng isla.

Tuwang-tuwa siya dahil ang mga nakuha niyang saging na saba ay malalaki at tama lang sa hinog.

Meron pa siyang nakuhang mga mangga at papaya.

“Isla, I have a lot to thank for. Salamat sa lupa mong mataba at sa dagat mong mayaman, hindi kami namatay sa gutom. Kaya tiniyak ko naman na wala akong magagawang masama na makakasira sa iyong kagandahanat kasaganaan.”

“Dave!” Nakangiting lumapit si Charlene habang nag-iihaw ng mga isda si Dave.

“O, Charlene … gutom ka na ba? Malapit na tayong kumain.”

“Wow! Nakakagutom na talaga!”

“Puwede mo nang tawagin sina Eric at Arnulfo para sabay-sabay na tayong apat.”

“Maya-maya. Gusto muna kitang panoorin. Ang sipag mo. Kaya siguro lalong naging defined ang abs mo.”

“Natural naman ito kapag gusto mong makasurvive sa ganitong lugar. Pero huwag mo nang tutukan ang katawan, Charlene. Sa isang tao, ang importante ay kalooban. At values.”

“Oo na. Mabait ka naman talaga. Ang tibay mo na sa tukso. Okay lang, pagbalik naman natin sa Maynila ay mayaman na tayong lahat.”

“Hindi lang basta mayaman. Bilyonaryo tayo. Sana mamigay ka rin sa charity, Charlene. Kahit konting bahagi lang. Ganoon kasi ang balak ko na gagawin namin ni Laila. And then maybe you can have a good start in life. Tutulungan ka ng Diyos para mapaayos na ang buhay mo.”

“Okay. Susubukan ko na ngang magbago.”

“Sana hindi lang salita. Sana gawin mo na talaga. Remember na habang close pa tayong apat noon, ilang beses kaming naniwala na kaya mo pang magbago. Pero nabigo kami. At masakit iyon, lalo na kay Nico.”

“Magsisimula uli ako, Dave. Pangako ko ‘yan.”

“Then good. Okay, tawagin mo na sila. Kakain na tayo.”

“Dave, nasaan na kaya ‘yung dalawang tigre at wild horse? Hindi na ba nila tayo lalapain?”

“Tingin ko naman, meron pa silang nakakain doon sa bahagi ng isla kung saan sila namumuhay. At hindi dadami ang dalawang tigre. Kung sila lang ang nailagay dito sa isla, parang sinadyang pareho silang lalaki. Nakita ko ang kanilang kasarian. We give them space and they will also respect our existence sa islang ito. Paalis na rin naman tayo so wala nang panganib, hindi ba?”

“Kunsabagay. O sige, tatawagin ko na sina Eric at Arnulfo. Habang may araw pa, mag-dinner na tayo ng masarap. At matulog tayo nang mahimbing mamayang gabi.”

“Tama. Para bukas, maagang aalis ang helicopter na sakay tayong apat.” Puno ng pag-asa at tiwala si Dave.

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.