LYCEUM UMANGAT SA 17-0 KARTA

Bandera - - ANGAT ANG BOLTS? -

Mga Laro sa Martes (Filoil Flying V Centre) 12 n.n. EAC vs Perpetual 2 p.m. Mapua vs Arellano

4 p.m. Letran vs

St. Benilde

Team Standings: *Lyceum (17-0); *San Beda (16-1); *JRU (11-7); Letran (8-9); Arellano (89); San Sebastian (8-9); EAC (6-11); Perpetual Help (4-12); St. Benilde (4-13); Mapua (3-14)

* - semifinalists ISANG panalo na lamang ang kailangan ng Lyceum of the Philippines University Pirates para sa una nitong pagtuntong sa kampeonato matapos panatiliin ang malinis nitong kartada sa ika-17 sunod na panalo sa pagbigo sa Jose Rizal University Heavy Bombers, 100-63, sa pinakatampok na laro ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre.

Tinapatan ng Pirates sa tinipon nitong 17-0 panalo-talong record ngayong taon ang lahat na nakolekta nitong panalo noong Season 90, 91 at 92 na kabuuang 17 panalo at 37 talo upang itapak ang isang paa sa awtomatikong silya sa kauna-unahan nitong kampeonato sa liga sapul nang sumali anim na taon na ang nakalipas.

Itinala ng LPU ang season high nito sa puntos na eksaktong 100 habang idinagdag ang record na 67 rebounds at 29 fastbreak points.

Tanging hadlang na lamang sa Pirates para tumuntong sa kampeonato ay ang huli nitong makakaharap na nagtatanggol na kampeong San Beda sa Huwebes.

Mula sa mahigpit na unang hati kung saan may walong puntos lamang na abante ang Pirates ay tumikada ito sa ikatlong yugto kung saan lumayo ito sa 15 puntos na abante, 68-53, bago itinala ang pinakamalaking 37 puntos na losing margin para sa JRU Heavy Bombers.

Muling pinamunuan ni CJ Perez ang Pirates sa tinipong 24 puntos, walong rebound at tig-apat na assist at steal habang nag-ambag si Ralph Tansingco at Spencer Pretta ng tig-siyam na puntos para sa Lyceum. — Angelito Oredo

NAKASABAYAN sa pagtakbo ni Thomas Bruins (kaliwa) ng Netherlands sina Matt Smith at Emmanuel Commendador sa 2017 Powerman Philippines Asian Championships sa Clark Freeport Zone.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.