8 bagong UAAP swimming record naitala

Bandera - - ANGAT ANG BOLTS? -

WALONG bagong meet rekord ang agad naitala tampok ang itinalang lima ng De La Salle University sa unang araw pa lamang ng UAAP Season 80 swimming championships na isinasagawa sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Maynila.

Walong gintong medalya rin ang inuwi ng La Salle mula sa pinaglabanang dalawampu upang agad ipadama ang matinding pagnanasa na agawin ang pangkalahatang kampeonato na huling inuwi ng Ateneo de Manila University sa men’s division at University of the Philippines sa women’s category.

Pinamunuan ng 13anyos at beteranong internationalist na si Maurice Sacho Ilustre ang La Salle sa pagsungkit nito sa dalawang gintong medalya at pagtala ng dalawang bagong rekord sa boys 1318 100m freestyle at 200m individual medley.

Pinabilis ni Ilustre ang hawak na UAAP record na itinala nito noong 2016 sa 100m freestyle na 53.76 segundo sa pagtala ng 52.94 segundo para sa una nitong ginto bago sinundan ng ginto sa 200m individual medley sa isinumite nitong 2:10.16 na tumabon sa dating record ni Sean Terence Zamora ng University of Santo Tomas na 2:12:41 noong 2016.

Una naman nagtala ng record ang La Salle na binubuo nina Juliana Marion Burgos, Kaylee Zakia Keh, Bela Louise Magtibay at Kara Angelica Mendoza sa girls 13-18 200m medley relay sa 2:09.54 para tabunan ang rekord ng UST na 2:13:33 noong 2016. — A. Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.