Lisensya ni Isabel sususpindehin

Bandera - - FRONT PAGE -

IREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Authority na suspindehin ang lisensiya ng aktres na si Maria Isabel Lopez matapos na tanggalin ang mga plastic barrier at dumaan sa lane na inilaan para sa mga delegado na dadalo sa Association of Southeast Asian Nations.

Sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na isang “serious breach of security” ang ginawa ni Lopez.

“MMDA and the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) will now recommend to the Land Transportation Office the suspension or cancellation of Maria Isabel Lopez’s license,” ani Pialago.

Ipinagmalaki pa umano ni Lopez sa kanyang Facebook account na nagpanggap siyang delegado sa Asean nang dumaan sa southbound lane ng Edsa at binuksan ang hazard light ng kanyang kotse.

“MMDA thinks I’m an official Asean delegate! If [you] can’t beat [them], join them!” sabi ni Lopez sa kanyang post kung saan makikita pa ang dalawang video habang lumulusot sa napakatinding trapik.

Gumamit pa si Lopez ng hashtag na #nosticker, #leadership, #belikemaria at #pasaway. — Inquirer

LOPEZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.