Du30 ibabalik sa PNP kampanya vs droga

Bandera - - FRONT PAGE -

SINALUBONG si Pangulong Duterte ng mga sumbong kaugnay sa teribleng trapik bunsod ng pagsasara ng ilang lane para sa mga delegado ng Association of Southeast Asian Nation summit.

Sa isang press conference matapos dumating mula sa pagdalo sa Asia Pacific Economic Conference sa Da Nang, Vietnam, inatasan ni Duterte ang mga kaukulang opisyal na ipatupad lamang ang mga alternative routes na inihanda para sa mga delegado kung kinakailangan.

"What is best for the moment, what is needed for the moment. We will go by the catchword need," sabi niya.

Libo-libong motorista ang inabot ng ilang oras sa biyahe dulot ng trapik matapos isara ang ilang lanes sa Edsa at iba pang pangunahing kalsada.

"Is there a need (na isara ang ibang lanes sa motorista)? If there is, then we'll do it. If there is no need for it or if it would be detrimental to the people, then I would not do it," giit ni Duterte. —Bella Cariaso HINDI mangingimi si Pangulong Duterte na ibalik sa Philippine National Police ang kampanya kontra droga sakaling lumala ang problema.

Matatandaang inatasan niya ang Philippine Drug Enforcement Agency na pangunahan ang kampanya makaraang lumagpak ang kanyang rating bunsod ng pagpatay sa mga menor-de-edad ng mga pulis.

"I am just trying to gauge the improvement that has been introduced. I have allowed PDEA to have the exclusive. So, mawala na ‘yun, nawala na. For the longest time, I haven’t had any talk with the PDEA," sabi ni Duterte sa kanyang talumpati matapos makabalik sa Pilipinas mula sa pagdalo sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) sa Da Nang, Vietnam.

"Titingnan ko lang kung tataas. Pagkatataas babalik ang pulis. Pag magba- lik ang pulis, ‘yun ang trabaho nila, destroy the drug syndicates. How? Gamitin na ninyo ang pagkapulis ninyo, pagkasundalo ninyo," ayon pa sa Pangulo.

Dedma rin si Duterte sa patuloy na bumabatikos sa kampanya kontra droga na umano'y nagiging sanhi ng mga extrajudicial killings

"And again, I say, problema ko ‘yan, hindi ninyo problema ‘yang kaso-kaso. Hayaan mo silang magreklamo nang magreklamo. Let them raise hell. I do not really give a s***. Ulitin ko ‘yan," dagdag pa ni Duterte.

"I’m doing it because I have to improve the situation of my country. Kung aabot ako diyan ng limang taon plus at wala akong nagawa, at ang corruption pa rin nandiyan, ay mag-resign na lang ako," giit pa ni Duterte. —Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.