MRT, 12 araw nang tumitirik

Bandera - - FRONT PAGE -

NAWASAK man ang Marawi City, natutuwa ang mga Pilipino sa naging aksyon ng gobyerno laban sa Maute group, ayon sa survey ng Social Weather Station.

Sa tanong kung “Gaano po kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa ikinikilos ng ating gobyerno ukol sa kanilang ginagawa upang masugpo ang grupong Maute na lumusob sa Marawi City?” sinabi ng 66 porsyento na sila ay nasisiyahan.

Mas mababa ito sa 67 porsyento na naitala sa survey noong Hunyo.

Samantala, sinabi naman 18 porsyento na hindi sila nasisiyahan. Ang 16 porsyento naman ay undecided.

Naniniwala naman ang 54 porsyento na kayang puksain ng Armed Forces ang teroristang grupo sa Marawi kahit nang hindi nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa Mindanao. Ang hindi sang-ayon sa pahayag na ito ay 25 porsyento at ang undecided ay 22 porsyento.

Sa tanong kung naniniwala o hindi na ang mga teroristang sumalakay sa Maute ay tumatanggap ng drug money, sinabi ng 60 porsyento na sila ay naniniwala at 11 porsyento ang hindi. Ang undecided ay 29 porsyento.

Ang survey ay ginawa mula Setyembre 23-27 at kinuha ang opinyon ng 1,500 respondents. — Leifbilly Begas SA ika-12 sunod na araw ay nagka-aberya ang tren ng Metro Rail Transit Line 3.

Nasira ang tren alas11:37 ng umaga kahapon sa Boni Avenue station north bound. Pinababa ang mga pasahero.

Noong Sabado, nasira ang isa pang tren alas-11:10 ng umaga. Pinababa ang mga pasahero noong Ayala station south bound.

Noong Biyernes ay limang beses nasiraan ang MRT. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.