Nanutok kalaboso

Bandera - - FRONT PAGE -

SHOOT sa selda ang isa sa magkapatid na nanapak at nanutok ng baril sa isang naglalakad sa Quezon City.

Nahuli si Jayson Yambot, 33, ng Capitol Hills, Brgy. Old Balara samantalang pinaghahanap ang kapatid niyang si Jerome. Ayon sa biktimang si Jayson Entredicho, 21, accounting staff, ng Visayan Hills, Brgy. Holy Spirit, naglalakad siya pauwi alas-9:30 ng gabi nang makasalubong niya ang magkapatid. Bigla na lamang umano siyang sinapak ng isa sa mga ito habang ang isa naman ay naglabas ng baril at itinutok ito sa kanya. Sa takot ay nagtatakbo ang biktima at humingi ng tulong. Naaresto si Jayson pero nakatakas ang kanyang kapatid. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.