Kawal dedo sa ambush

Bandera - - FRONT PAGE -

ISANG sundalo ang napaulat na nasawi habang isa pa ang nasugatan sa pananambang ng New People's Army sa Iligan City, Linggo ng umaga.

Nagpakalat na ng mga sundalo at pulis para tugisin ang mga rebelde, na umatake ilang araw lang matapos ang magkasunod na ambush sa Bukidnon nitong Huwebes at Biyernes, ani Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng Northern Mindanao regional police.

Isinagawa ng di mabatid na bilang ng rebelde ang pinakahuling pananambang laban sa isang team ng mga sundalong pinamunuan ni Tsgt. Edgar Andal sa Malagsum, Sitio Libandayan, Brgy. Rogongon, Iligan, alas-8:30.

Nagpapatrolya at nagsasagawa ng route security operations ang mga kawal sa Iligan-Bukidnon road nang sila ay salakayin.

Napaulat na nasawi si Andal, na nasa ambush site pa habang isinusulat ang istoryang ito, habang isang Cpl. Pamplona ang bahagyang nasugatan at nakabalik sa patrol base.

Pinaniniwalaang mga kasapi ng Guerrilla Front 68, na pinamumunuan ni commander "Kiram," ang nagsagawa ng ambush.

Ang Rogongon ay isang barangay na katabi ng Talakag, Bukidnon, kung saan tinambangan ng mga rebelde ang patrol car ng mga pulis ng Amai Manabilang, Lanao del Sur, noong Huwebes.

Isang pulis at 4-buwang sanggol, na sakay ng civilian vehicle na kasunod ng patrol car, ang napatay sa naturang insidente.

Tatlo pang pulis, kabilang si Amai Manabilang Police chief Insp. Joven Acuesta, ang nasugatan sa insidente, pati ang tatlong iba pang sakay ng civilian vehicle.

Noong Biyernes, pinasabugan ng landmine at pinaputukan ng mga rebelde ang mga pulis-Bukidnon na nagtungo sa pinangyarihan ng ambush noong Huwebes, pero walang nasugatan.

Nagpakalat na ng mga pulis at miyembro ng Army 1st Special Forces Battalion para tugisin ang mga nagsagawa ng ambush sa Iligan, ani Gonda. —John Roson rumesponde sa isang insidente sa San Julian, Eastern Samar, iniulat ng pulisya Linggo.

Isinugod sa ospital si PO2 Fredirick Samantilla, intelligence officer ng San Julian Police, dahil sa tama ng bala sa tiyan, ani Chief Insp. Maria Bella Rentuaya, tagapagsalita ng Eastern Visayas regional police.

Naganap ang pamamaril alas-4:50 ng hapon Biyernes sa Brgy. Putong.

Bago iyon ay nagtungo si Samantilla at iba pang pulis sa naturang lugar upang rumesponde sa insidente ng indiscriminate firing, o walang habas na pagpapaputok ng baril doon.

Habang naglalakad ang mga alagad ng batas ay biglang pinaputukan si Samantilla ng isang Fredie Moscosa, na nagtago sa gilid ng kalsada.

Tumakas si Moscosa matapos ang pamamaril, pero naiwan ang kanyang homemade na baril at tatlong slug.—John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.