Baka na-brainwash lang tayo (1)

TOTOO O KWENTONG BARBERO

Bandera - - FRONT PAGE - Ni Leifbilly Begas

MARAMING bagay ang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao. Lalo na kung nakamulatan niya ang mga ito.

Ayon sa isinulat ni Gregory Myers sa TopTenz, mayroon namang mga bagay na gawa ng lipunan na nakaimpluwensya rin nang husto sa atin.

Clowns

Ang mga clowns ay ipinapatawag upang magbigay saya sa mga bata. Marami sa kanila ang nagma-magic para mas lalong maenganyong manood ang mga bata.

Pero ngayon ang pagtingin sa mga clown ay wala ng pinag-iba sa bampira at aswang kaya naman nangangamba ang mga clown sa hinaharap ng kanilang career.

At dahil sa iniiwang takot sa isip, kinailangang alisin si Ronald McDonald sa commercial ng isang fastfood chain.

Mayroong iba't ibang teorya kung bakit tumatak sa isip ng tao na nakakatakot ang clown.

Ang pinakasikat na teorya ay ang mga pelikula kung saan pumapatay ang mga clowns.

Ang pelikulang IT na ipinalabas kamakailan ay kinatakutan ng marami. Dumagdag pa dito ang takot na gawa ng killer clown na si John Wayne Gacy.

Hindi naman nangangahulugan na lahat ng clown ay nakakatakot.

Multo

Marami ng naging debate tungkol sa multo at hindi matatapos ang usapin kung totoo ba ang mga nilalang na ito o hindi.

Mayroong mga tao na kumbinsido na may scientific explanation ang mga multo bagamat mahirap kumbinsihin ang lahat.

Sinasabi naman ng iba na limitado ang science kaya hindi maipaliwanag ang supernatural being na nais makipag-ugnayan sa mga buhay.

May mga nagsasabi naman na maaaring malaman kung may multo sa pamamagitan ng pagsukat sa enerhiya na inilalabas nito.

Matagal na panahon ng mga programa sa telebisyon na naglalayong patunayan na may mga kaluluwang nais na makipag-ugnayan sa tao.

May mga aparato na dala ang mga ghost hunter upang patunayan ang kanilang teorya.

Ginagamit ng mga siyentipiko ang siyensya upang mas maraming mapaniwala dahil walang solidong ebidensya na totoo ang kanilang sinasabi.

Bagamat nagmumukhang scientific kapag pinapanood sa telebisyon, walang quantifiable evidence upang patunayan ito.

Mayroon pang mga nandaraya sa mga litrato at video para maipakita na mayroong multo kaya lalong nababawasan ang kredibilidad ng kanilang pinaniniwalaan.

Buwan

Isa sa paniniwala ay mayroong topak ang mga tao kapag bilog ang buwan.

Ang palagay ng marami ay mayroong koneksyon ang buwan sa utak o asal ng tao.

Sa sobrang tagal ng paniniwalang ito ay nabuo ang salitang lunacy mula sa root word na lunar.

Mayroong mga nurse sa emergency room na ngasasabi na totoo ito dahil sa dami ng dumarating na pasyente kapag bilog ang buwan.

Pero walang ebidensya upang mapatunayan ang koneksyon ng ugali o inasal ng isang tao sa full moon.

Sa kabila nito ay marami pa ring naniniwala, lalo at mahirap ng ituwid ang kanilang nakamulatang paniniwala.

May mga tao rin na nagsasabi na nakagawa sila ng mga kakaibang bagay at isinisi ito sa bilog na buwan.

Mas madali para sa utak na kumpirmahin ang mga bagay na pinaniwalaan ng totoo ng hindi man lang pinag-iisipan.

Boses

Sa Estados Unidos at iba pang western countries, negatibo ang tingin sa schizophrenic hallucinations.

Ang karaniwang report ay mayroong demonyo o boses silang naririnig na nagsasabi na saktan nila ang kanilang kapwa.

Maraming ganitong kaso na nauuwi sa tuluyang pagkadira ng ulo.

Pero hindi lahat ng bansa ay masama ang tingin sa schizophrenic hallucinations gaya sa Africa at India.

Sa halip na demonyo ang turing sa mga boses na ito ay kaibigan. Mayroong nagsasabi na ito ay boses ng mga namayapang kamag-anak na nagbibigay ng payo at walang masama sa pakikipag-usap sa kanila.

Dahil dito mas nagiging katanggap-tanggap ang pag-uusap tungkol sa sinasabi ng boses at hindi siraulo ang tingin sa kanila.

Ang boses ay isang kausap kung mag-isa ka o ayaw mong lumabas ng bahay para makipagkuwentuhan.

Buwanang dalaw

Mayroong kakaibang nararamdaman ang mga babae kapag sila ay nagkakaroon ng buwanang dalaw. Iba’t iba sa bawat babae. lang nararamdaman ay maaaring magresulta sa nakakapanghikabot na galit.

Mayroong mga nagbigay ng pangalan sa kakaibang galit na ito na maaaring pakawalan ng

May mga ebidensya na nagkakaroon ang mga babae ng non-psychosomatic symptoms kapag sila ay may regla.

Pero mayroong mga kultura na iba ang pagtingin sa buwanang dalaw ng mga babaeng may regla— tinawag nila itong female hysteria.

Noong 1930s nagsimula ang teoryang ito at kumalat ito sa iba’t ibang lugar.

Hindi naman sinasabi mga babae. Naniniwala sila na ang hindi maganda nimay na katakutan ang mga babae kapag sila ay meron, pero hindi ba parang insulto naman sa kanila kung sasabihin na hindi na nila kayang kontrolin ang kanilang sarili dahil sa dalaw.

Itutuloy

MU LTO

BUWAN

BUWANANG dalaw

BOSES

CLOWNS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.