19 world leaders nasa PH para sa ASEAN summit

Bandera - - FRONT PAGE -

DUMATING sa bansa ang 19 world leaders kahapon na dadalo para sa ika-31st ASEAN summit.

Kagabi ay lumapag ang Air Force 1 na lulan si US President Donald Trump sa Ninoy Aquino International Airport.

Dumating naman si Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc bago magtakip-silim sa Clark International Airport sa Pampanga, at dumating sa Edsa-Balintawak pasado alas-6 ng gabi.

Sila ang huling dumating sa bansa para daluhan ngayong araw ang opening ceremony ng summit sa Cultural Center of the Philippines.

Nai-tweet pa ni Trump ang kanyang pagdating sa bansa, bagamat namali siya ng spelling ng Philippines.

“Just landed in the Philippines after a great day of meetings and events in Hanoi, Vietnam!” pahayag ni Trump.

Inaasahan naman na darating ngayong araw sina European Union President Donald Tusk at Timor Leste Prime Minister Rui Maria de Araújo, na kapwa Asean dialogue partners.

Samantala, nanawagan naman ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na i-observe ang traffic rules. — Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.