Anne, Erwan ikinasal na sa New Zealand; Anne-Kabogable wedding gown pinag-usapan

Bandera - - HEALTH WELLNESS - BY ERVIN SANTIAGO

HINDI pa man inihahatid sa kanyang huling hantungan ang aktres na si Isabel Granada, isang Kapamilya young star na naman ang ipagluluksa ng mga taga-showbiz.

Patay sa lunod ang Hashtag member na si Franco Hernandez nang magpunta ito sa isang resort sa Davao Occidental kasama ang girlfriend na si Janica Nam, kapwa Hashtag na si Tom Doromal at dalawa pang kaibigan.

Ayon sa ulat, sakay ang grupo ni Franco ng isang bangka nang tumaob ito dahil sa lakas ng alon. Pabalik na sana sila sa North Lamidan, Don Marcelino nang maganap ang trahedya. Nakaligtas ang GF at mga kaibigan ni Franco ngunit siya ay idinekalarang dead on arrival sa isang ospital.

Ang nasabing trahedya ay naganap ilang oras lamang matapos mag-celebrate ng second anniversary ang Hashtags sa Showtime. Ilang minuto pa lang ang nakalipas matapos maibalita ang pagpanaw ni Franco, bumahga agad ng pakikiramay sa social media para sa mga naulila ng binata.

Tweet ni Vice Ganda na nasa New Zealand para sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff kasama ang iba pang Showtime hosts, "Ito yung pagkakataon na hinihiling kong sana ito ang fake news. Sana lng please." Na sinundan pa ng, "Tragic. This is just so heartbreaking. Oh my God! Its 6am here. Still cant sleep. My tears wont stop falling."

Ayon naman sa kasamahan ni Franco sa Cornerstone Management na si Gil Cuerva, "Gone too soon. Rest in Peace, Franco."

Na-shock din si Kim Chiu sa balita, "Heard about what happened to hashtag franco. sobrang tragic.. i always see him pag nag shoshowtime ako.. im not close to him but he is one of the nicest.. prayers for franco and his family."

"Won’t have someone to impersonate me, you were good at that. You will be missed man.. @Hashtag_Franco God bless your soul," ang tweet naman ng isa pang Hashtag member na si Jameson Blake.

Sey naman kaibigan ng binata na si Maris Racal, "Guys, please pray for Tom too. He was with Franco when it happened. I can't even imagine, the trauma."

Mensahe naman ni Iñigo Pascual para sa kapatid niya sa Cornerstone, "Franco, Rest in Paradise Brother. Di mo na ako naturuan paano mag Bboy! You're in a better place now."

"Read about the sad news first thing when I woke up. May your soul Rest In Peace Hashtag Franco. Sending out prayers to his family, friends and loved ones," ayon naman kay Matteo Guidicelli.

Samantala, kahapon ng umaga dumating sa Cosmopolitan Funeral ang tatay ni Franco kasama ang iba pa nilang kamag-anak mula sa Manila. Ayon sa ulat, pinag-iisipan pa ng pamilya ni Franco kung dadalhin na nila ang labi ng binata sa Maynila o ipakikicremate na sa Davao.

Ayon kasi sa isang tiyahin ni Franco, sinasabi raw nito sa kanila na pag siya raw ay namatay, gusto niyang ipa-cremate ang kanyang bangkay.

Pinaiyak naman ng GF ni Franco na si Janica Nam ang mga netizens nang i-post na niya sa social media ang huling video nila together. Sa kanyang Instagram sinabi ng dalaga na, "Eto yung last video natin yung araw na papunta na tayo sa bangka at nangyari ung accident hindi ko alam parang magmemessage ka sakin kaya sabi ko 'wait lang ivivideo ko' ang sabi mo dyan.

"Sorry pero hindi mo tinuloy bakit naman ganon mahal ang unfair unfair mo naman mahal ko sabi mo sakin you want to make more memories with me. Bakit naman ganon! Please tuparin mo naman mga pangako mo sakin. Ang dami dami pa natin pangarap mahal! Balik ka na please miss na miss na kita sobrang mahal na mahal kita mahal na mahal mahal ko ikaw ang buhay ko mahal."

Sa New Zealand naman, sa kabila ng masaklap na pangyayaring ito, ikinasal na nga sina Anne Curtis at Erwan Heussaff na sinaksihan ng kanilang mga pamilya, kaanak at mga kaibigan in and out of showbusiness.

Nagpalitan na nga ng "I dos" ang bagong kasal sa ginanap na outdoor garden wedding sa Thurbly Domain, Southland, New Zealand. Ilan sa mga celebrities na naroon bukod kay Vice ay sina Vhong Navarro, Tim Yap, Isabel Daza, Kim Atienza, Solenn Heussaff, Angel Locsin, Luis Manzano, Jessy Mendiola at marami pang iba.

Marami namang humanga sa wedding gown ni Anne at sa bonggang kasal nila ni Erwan. May mga netizens nga ang nagtanong kung sinagot ba raw ng bagong kasal ang pamasahe ng lahat ng kanilang guests. Sigurado raw milyones ang ginastos ng dalawa sa kanilang wedding.

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

FRANCO HERNANDEZ

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.