Kilalang male celebrity nag-joke, boldyak sa bossing network

Bandera - - HEALTH WELLNESS - BY AMBET NABUS

NAKU, mga ka-BANDERA, mukhang hindi nga maganda ang pamamaalam ng isang kilalang personalidad sa isang TV network na kumabilang-bakod recently for his socalled "career growth."

Ang tsismis kasi, mukhang hindi umano makakatikim ng kahit anong promo o pagbanggit man lang sa kahit anong show ng nilayasang istasyon ang isang project kung saan kasama siya?

Ayon pa sa tsika, hindi umano nagustuhan ng ilang executives ang style ni kilalang personalidad nang paglambing sa mga dating kasamahan sa network upang banggitin o i-promote ang nasabing project.

Bukod daw kasi sa hindi man lang ito bumusina sa mga nakakataas na dati naman niyang mga bosing o katrabaho, meron pa raw itong mga pasaring o private jokes sa "lambingrequest-text messages" niya na nakarating umano sa mga kinauukulan.

Kaya kung nagtataka man ngayon si kilalang personalidad dahil kahit ang mga close friends niya'y dedma sa kanyang "lambing," mas dapat daw sigurong tanungin nito ang mga dati niyang bosing na na-offend sa kanyang private jokes.

"Ang totoong Bossing!" Ito ang reaksyon ni Vic Sotto sa mga nagcongratulate sa pagiging bagong daddy niya matapos manganak si Pauleen Luna.

Aminado nga ang magaling na TV host-comedian na para siyang brand new daddy dahil napakatagal na nga namang panahon nu'ng huli siyang humawak ng sanggol.

"Ganito talaga kapag may totoong blessing!" hirit pa nito sa mga nagsasabing keri niyang makaisa pang baby kay Poleng. Pwede pa naman dahil bata pa ang kanyang misis at naniniwala kaming kaya pa rin ng powers niya kahit senior citizen na.

Napakaganda ng baby girl na isinilang ni Pauleen last Nov. 6 at tiyak ngang magbubuhay prinsesa ang bata lalo pa't this early ay nag-uunahan na ang mga kaanak at malalapit na kaibigan ng mag-asawa sa pag-pamper sa

After kasing magpaalam ang karakter niya sa seryeng La Luna Sangre, marami ang nagspeculate na baka buntis na siya.

Pero dinenay nga niya ito at sinabing hanggang du'n lang talaga ang role niya sa fantaserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nasa creative and production na raw kung bubuhayin pa ang role niya.

Marami kasi ang nagsasabing may added glamor and excitement ang Samantha character niya sa La Luna Sangre kaya't sayang daw na pinatay agad ito.

But then again, wala namang reklamo si Maricar dahil lagi naman daw siyang may project sa ABS-CBN at Star Cinema.

Siguradong ikinatuwa ng fans nina Elmo Magalona at Janella Salvador ang bago nilang proyekto sa ABS-CBN, ito ngang bagong episode ng fantasy mini-series na Wansapatayam.

Napabalita kasing nagtatampo na ang ElNella fans dahil wala pang follow-up TV show sina Elmo at Janella. Tapos, may tsika pa na itatambal na si Janella kay Hashtag member Jameson Blake at isa pang young actor.

Pero may ilang fans naman ang nagsasabi na tama lang na magsolo muna ang dalawa at mag-try ng ibang ka-partner para mag-grow din sila as artists.

Sa totoo lang, nakakapanghinayang ang ganda at husay ni Janella dahil keri naman niyang maging isang top leading lady ng ABS-CBN.

With Elmo naman, marahil ay tamang role o project ang magawa niya para lumabas talaga ang kanyang versatility. We have seen his work for an MMK episode (kasama sina Yves Flores at Miles Ocampo) and he did good.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.