Red tide alert sa 5 probinsiya

Bandera - - EJK DI TINALAKAY -

NAKATAAS pa rin ang red tide alert sa limang probinsya ayon sa inilabas na advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Sa advisory, sinabi ng BFAR na positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish na nakuha sa dagat ng Daram Island, Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, at Villareal Bay sa Western Samar.

Ganito rin sa Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; Inner Malampaya Sound, Taytay at Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; at Mandaon sa Masbate.

Nagpositibo na rin sa red tide toxin ang Cambatutay Bay sa Western Samar.

“All types of shellfish and Acetez sp. or alamang gathered from the area shown above are not safe for human consumption,” saad ng advisory.

Ligtas naman kainin ang isda, hipon, pusit at alimasag basta lilinisin ng mabuti at maayos na maluluto. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.