Trudeau nag-PR na naman; sumakay ng e-jeep

Bandera - - EJK DI TINALAKAY -

PAGKATAPOS mag-Jollibee, sumakay naman si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ng electronic jeepney sa kanyang pakikipagpulong sa FilipinoCanadian innovators ng nasabing sasakyan sa gitna ng isinasagawang ASEAN summit.

Ito ang ikalawang beses na nagtungo sa bansa si Trudeau.

Sinamahan si Trudeau nina Transportation Secretary Arthur Tugade at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas Orbos sa isang seremonya na isinagawa sa harap ng The Peninsula Manila hotel sa Makati City kahapon ng tanghali.

Nasa sa bansa ang opisyal kasama ang 20 iba pang world leaders para sa 31st ASEAN summit.

Noong Linggo, nag-viral ang pagbisita ni Trudeau sa isang branch ng Jollibee sa North Harbor sa Tondo, Manila. — Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.