Kawal, pulis patay sa sagupaan sa NPA

Bandera - - EJK DI TINALAKAY -

ISANG kawal at pulis ang nasawi habang tatlo pang tauhan ng pamahalaan ang nasugatan sa magkakahiwalay na engkuwentro sa iba-ibang bahagi ng Luzon nitong Linggo.

Napatay si PO1 Matthew Baybayon habang nasugatan si PO1 Edgarde Demingoy matapos tambangan ng mga rebelde sa San Fernando, Masbate, alas-9 ng umaga sa barangay Buyo, bayan ng Batuan.

Tinangay pa ng mga rebelde ang dalawang government-issue na kalibre-.9mm pistola ng mga pulis, aniya.

Linggo ng hapon, isang sundalo naman ang nasawi at dalawa pang nasugatan nang makasagupa ang NPA sa Abra at Isabela.

Nasawi ang isang miyembro ng 86th Infantry Battalion nang makasagupang kanyang team ang di mabatid na bilang ng rebelde sa Echague, Isabela, sabi ni Capt. Jefferson Somera, tagapagsalita ng Army 5th Infantry Division.

Dakong alas-2 ng hapon, dalawang miyembro naman ng 24th Infantry Battalion ang nasugatan nang makaenguwentro ang mga rebelde sa Brgy. Alangtin, Tubo, Abra, ani Somera.

Nakarekober ang mga kawal ng rifle grenade, bandolier, anim na magazine na mga bala para sa M16 rifle, medical kit, at 50 metrong cable wire at switch para sa land mine, aniya.

Samantala, nakasamerce,” gupa rin ng mga tropa ng pamahalaan ang mga kasapi ng NPA sa Brgy. Banglay, Lagonglong, Misamis Oriental, ala-1 ng hapon Linggo.

Nagsasagwa ng reconnaissance ang mga rebelde para sa planong pag-atake sa coal-fired power plant ng Minergy sa Balingasag, nang maengkuwentro ng Army.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok, pero walang naiulat na nasawi o nasugatan sa magkabilang panig, aniya. — John Roson Linggo.

Dead on the spot si Jeson Macatigbak, 23, dahil sa matinding pinsala sa ulo, habang ang kasama niyang si Dencel Roces ay binawian ng buhay sa ospital.

Naganap ang insidente dakong ala-1 sa Brgy. Tejero.

Tinatahak nina Macatigbak at Roces ang direksyon mula sa city proper patungong Tejero, nang masalpok ng kasalubong na dump truck, na dala ni Dennis Valderama, 33.

Sinabi ni Valderama sa pulisya na tila nawalan ng kontrol sa motor ang dalawa kaya nag-slide sa kalsada ang sasakyan at napunta sa lane ng trak.

Nasa kostudiya ngayon ng pulisya si Valderama para sa imbestigasyon. — John Roson HINDI tinalakay nina Pangulong Duterte at United States President Donald Trump ang isyu ng human rights, kabilang na ang kontrobersyal na extrajudicial killings, sa ginawang bilateral meeting sa pagitan ng dalawang lider sa gitna nang ika-31 ASEAN Summit.

‘‘We are not answering any question. We are in a bilateral meeting. We will be talking about matters of both reference to the Philippines and US,” sabi ni Duterte nang tanungin ng media kung tatalakayin ang isyu ng human rights.

Ito’y sa harap naman ng panawagan ng ilang mambabatas sa Amerika kay Trump na ungkatin kay Duterte ang gera kontra droga ng administrasyon nito na nagresulta diumano sa extrajudicial killings.

“We've had a great relationship. This has been very successful we have many meetings today with many leaders the Asean conferences has been handled beautifully by the President and the Philippines and your representatives,” sabi ni Trump bilang sagot kay Duterte sa kanilang joint press conference.

Idinagdag ni Trump na nagpapasalamat siya sa magandang pagtanggap ng mga Pinoy sa kanya.

“But we very much appreciate the great treatment that you have given. I thought last night's event was fantastic, tremendous talent. Most of them I guess from the Philippines. Tremendous talent, musical talent, dance talent. We really had a tremendous time all of the leaders,” ayon pa kay Trump.

Nagbiro pa si Trump matapos sabihing huli ang mga Pinoy media na dumating sa isinagawang bilateral meeting sa pagitan niya at ni Duterte.

“I think you should make it again. But it was good. But we've had a great relationship. This has been very successful. We have many meetings today with many other leaders,” ayon pa kay Trump.

Pinuri pa ni Trump si Duterte sa matagumpay na pagho-host ng Pilipinas sa Asean Summit. — Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.