Dalagita nanlaban sa rapist

Bandera - - RALIYISTA, PULISYA NAGKAGIRIAN; NAGSISIHAN -

INOOBSERBAHAN sa ospital ang isang dalagita na nanlaban sa isang lalaki na umano'y humalay sa kanya nitong Sabado sa Makati City.

Tadtad ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan ang biktima na umano'y menor de edad pa lang.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong rape at attempted homicide.

Nangyari ang pag-atake sa biktima alas-6 ng umaga sa barangay Southside ng naturang siyudad.

Batay sa ina ng biktima, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanilang landlady na ang kanyang anak ay nasa ospital na umano’y hinalay at tinangkang paslangin ng di-kilalang suspek.

Natagpuan ang duguang biktima ng kaibigan niton 19-anyos na lalaki.

Sinabi nito sa pulisya, nagpunta siya sa bahay ng biktima at dito niya natagpuang duguan kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.