13th day: MRT tirik na naman

Bandera - - RALIYISTA, PULISYA NAGKAGIRIAN; NAGSISIHAN -

MULING nasira ang tren ng Metro Rail Transit (MRT) 3 kahapon ng hapon, dahilan para pababain ang mga pasahero sa Buendia station north bound.

Naganap ang pagtirik ng tren alas-2:37 dahil sa umano’y technical problem.

Ito na ang ika-13 sunod na araw na nasiraan ang tren ng MRT.

Nanawagan naman si House committee on appropriations chairman Karlo Nograles sa Department of Transportation na gumawa ng mga hakbang upang tumaas ang performance nito.

“Unfortunately, the people view the DOTr as one of the most underperforming agencies under President Duterte's watch, mostly due to the never-ending traffic jams and MRT woes. In the end, the Chief Executive's alter-egos in the Cabinet, in this case Secretary Art Tugade, must deliver,” ani Nograles.

Sa pagdinig ng komite ni Nograles para sa 2018 national budget, nabatid na maraming proyekto ng DOTr noong 2016 at 2017 ang hindi umuusad. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.