4 na naka-trike hinoldap ng 5

Bandera - - FRONT PAGE -

HINOLDAP ng limang kalalakihan ang mga sakay ng tricycle sa Quezon City kamakalawa.

Kinuha ng mga hindi nakilalang salarin ang cellphone at pera ng mga biktimang sina Kylie Oribia, 23, Arvi Mijares, 20, Darywin Bonifacio, 19, at John John Brillante, 21. Sakay ang apat ng tricycle nang harangin umano ng mga suspek sa IBP Rd., kanto ng Everlasting st., Brgy. Commonwealth alas-12:30 ng umaga. Armado ng baril at patalim ang mga suspek kaya hindi na nanlaban ang mga biktima. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.