Trump nainip? Hindi dumalo sa summit

Bandera - - FRONT PAGE -

TINALAKAY ng mga lider mula sa East Asian nations ang isyu tungkol sa migration, environmental degradation at armed conflict sa rehiyon sa ginanap na 12th East Asia Summit kahapon..

“We wish to inform that President Rodrigo Roa Duterte as Chair of the Asean (Association of Southeast Asian Nations)-East Summit cited the effects of migration, environmental degradation and armed conflict in the region have global repercussions,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang kalatast.

Ang diskusyon ay tumalakay din sa impact ng climate change at ang paglaganap ng terorismo sa rehiyon.

“PRRD likewise discussed the East Asia Summit with Asean as a mechanism by which strategic dialogues and cooperation could be established at the highest level,” dagdag pa ni Roque.

Samantala, hindi na nakadalo sa summit si US President Donald Trump. Alas-3 ng hapon ng sumakay si Trump sa Air Force One.

“I guess di nya ma-move ang departure nya at 3,” sabi ni Roque nang tanungin kung nainip si Trump matapos ma-delay ang mga iskedyul ng summit.

Nakatakda sanang bumalik si Trump sa US Lunes ng gabi ngunit nagdesisyon mag-extend para makadalo sa East Asia summit.— Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.