Misis duda sa sexuality ni mister

Bandera - - FRONT PAGE -

DEAR Ateng Beth,

Hello po at magandang araw.

Ano po ba itong gagawin ko? I've been married to a man na hindi ko alam kung babae ba ang gusto o lalaki. Okay naman po kami nung first three years ng aming marriage, may isa kaming anak. Imagine po, mag-asawa kami pero mahigit isang taon na kaming walang ano. Alam nyo na po yun— sex!

Wala namang third party. Ang katwiran niya, he needs to consult a doctor daw po muna. Noong sabihin kong sasamahan ko siya, ayaw naman po niya.

Kahit anong kulit ko para magtapat sa kung ano bang nangyayari sa kanya, ayaw niya talagang magsabi, at kadalasan ‘yun ang pinagaawayan namin.

Ano bang gagawin ko? I trust him na health issue lang ang problema at walang third party. Janet, 29, Quezon City

Hello Janet, at magandang araw rin naman sa iyo.

Bakit mo naman naitanong agad kung babae o lalaki ang gusto niya? Kinakitaan mo ba siya ng mga signs na lalaki rin ang gusto niya? Pag ba lumalabas kayo napapansin mo ba siyang nagpi-flirt sa iba – babae man o lalaki?

O baka naman may kondisyon siya talaga. Baka meron siyang erectile dysfunction or something (igoogle mo na lang kung anong mga ‘yan) na ayaw niyang malaman mo.

Posibleng ayaw niyang sabihin dahil one, bakamawalan ka ng gana sa kanya, or two, makaramdam siya ng awa sa sarili kapag naawa ka sa kanya. Baka nga talagang may nararamdaman lang siya talaga.

Mas maiging kausapin mo siya nang malumanay at hindi ka tila nagi-impose na kailangang malaman mo ang lahat. Sometimes, ang mga taong may dinaramdam wants some space. Kaya mabuting maghintay ka kung kailan siya mago-open up sa iyo. Pero hindi ibig sabihin nun ay wala kang gagawin. Try to be more understading and patient. Yun siguro ang the best mong gawin sa ngayon.

Iparamdam mo rin sa kanya na you are always there for him to listen. Mag-research ka rin kung ano ang kadalasang sakit ng mga lalaking kasing edad ng mister mo para lalo mo siyang maunawaan.

More than anything mahalin mo siya unconditionally kahit wala pang tutut. Alam mo na yun— sex!

May problema ka ba sa mister o sa misis mo, sa BF or GF, o kaya kay BFF mo? Aba’y i-text na si Ateng Beth sa 09156414963, at tiyak na may sey siya riyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.