Game app vs HIV-AIDS inilunsad

Bandera - - FRONT PAGE -

LALONG pinaigting ang kampanya laban sa human immunodeficiency virus acquired immune deficiency syndrome (HIV AIDS) matapos maimbento ang isang app o game na makakatulong sa pagsugpo nito.

Ayon kay Dr. Emmanuel S. Baja, research associate professor, DOST "Balik" Scientist and Principal Investigator of the HIV Gaming, Engaging, and Testing (HIV GET Tested) Project ng Institute of Clinical Epidemiology, National Institutes of Health, University of the Philippines Manila, isangdigital advocacy gaming application na tinawag na "Battle in the Blood (#BitB) ang naimbento na hihimok sa mga Pinoy na huwag matakot magpaHIV test and counselling.

Inaasahan na ang combat game ay makakaimpluwensya sa mga kabataan at young adults upang maitama ang kanilang mga kaalaman tungkol sa HIV AIDS.

Ito ang kauna-unahang game app tungkol sa HIV AIDS na dinisenyo para sa mga Pilipino, ayon kay Dr Baja.

"Target ng Battle in the Blood (#BitB)" ang mga edad 10-24 lalo na ang mga Pilipino nasa grupong men having sex with men (MSM) o ang mga babaeng transgender. Sa grupong ito ang

may mataas na panganib pagdating sa HIV AIDS. Pero sinigurado ng team na gumawa nito na mag e-enjoy ang mga Pinoy sa paglalaro nito," ani Baja.

Ang app ay mabibili sa Google Play at Apple Store simula Nobyembre 26.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.