KONTROBERSYAL NA FEMALE CELEBRITY ‘TA HOME QUEEN’, WALANG PATAWAD SA LAFAN

Alden petmalu lodi: Pinaligaya ang mga bakasyunista sa Bag

Bandera - - FRONT PAGE - BY CRISTY FERMIN

MULING nabuhay ang mga kuwento tungkol sa isang female personality na napakaraming anekdota sa buhay dahil sa napapanahon niyang pagpapapansin.

Ang dami-dami palang kuwento tungkol sa kanya na hindinghindi makakalimutan ng mga nakatrabaho niya sa iba-ibang istasyon. At puro pagkain ang sangkot sa mga istoryang ‘yun.

Kuwento ng isang source, “Alam mo ba na ang babaeng ‘yun, e, walang pinipiling panahon sa pangmamating niya ng mga pagkain? Kesehodang naka-gown pa siya, wala siyang pakialam!

“Kapag nagpupunta siya sa mga party, e, kumpleto siya sa armas, meron siyang maliit na bag na lalagyan ng mga plastic na pinaglalagyan niya ng masasarap na food sa buffet table.

“Nakakahiya siya! May korona pa namang nakaputong sa ulo niya, pero getlak siya nang getlak ng food para maiuwi niya sa bahay,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Siya rin ang female personality na kinaiinisan ng mga tindera, kapag nag-iikot kasi siya sa mga tiyangge, ang mga nagtitinda ng mga kakanin ang una niyang pinupuntahan.

“Nakow, mismo! Hindi ba, siya ang personality na hanggang maaari, e, ayaw na ayaw palapitin ng mga tindera sa mga paninda nila?

“Kasi nga, wala na siyang ginawa kundi ang tumikim nang tumikim, samantalang hindi naman siya bumibili ng kahit isang hiwa lang!

“Basta, tikim lang siya nang tikim ng mga kakanin, dumidighay siya sa kabusugan, ikaw ba naman ang tumikim nang tumikim ng mga kakanin na mabigat sa katawan, hindi ka ba naman hahagok sa kabusugan? Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Hanggang makakalibre siya, e, gagawin niya talaga ang lahat!

“Ang nakapagtataka, e, kumikita naman siya, marami naman siyang ginagawang projects, busy naman siya sa pagarte, di ba? Pero bakit getlak siya nang getlak ng maiuuwing food?

“Hindi kaya sobrang busog siya nu’ng masangkot siya sa isang pasaway na kalokahan? Kagagaling lang kaya niya nu’n sa isang tiyangge, kaya ikinakatwiran niya ang katsipan niyang call of human nature?

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, tampal-tampalin n’yo nga ang babaeng pasaway na ‘yan para matuto siyang rumespeto sa batas?” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Kilig na kilig ang mga kaibigan naming nagkaroon ng pagkakataong makalapit at makapagparetrato sa tabi ng Pambansang Bae na si Alden Richards sa Baguio City.

Dahil walang pasok sa eskuwela ngayon ay nagdesisyon ang pamilya ng aming kaibigan na makapagbakasyon sila sa Baguio na matagal na nilang hindi nadadalaw pero wala silang kaalamalam na magkakaroon pa pala ng napakagandang bonus ang kanilang pagliliwaliw.

Nakita nila si Alden Richards sa i pampublikong l may shooting daw ang Pambansang matagal nang pan ng mga anak at a aming kaibiga makita ang singerLaking pasalam grupo dahil nang pansin ni Alde matagal na silang hintay sa lugar a guwapong aktor p mo ang lumapit sa la.

“Tinanong niya mga bakasyunista Nu’ng tumango tinanong niya uli kung tagasaan k Cavite, sabi namin ang bilis niyang su ‘Magkapitbahay la tayo, dahil taga-L naman kami.’

“Ang bait-bait napakaguwapo n marespeto siya sa fans na gustong m picture sa kanya. nagkamali ng iid ang mga anak at a napakabait ni Alde

“Siya na talaga malu, lodi! Wala kaere-ere, palagi nakangiti, kaya m ing humahanga sa ya,” papuri pa sa bansang Bae ng kaibigan.

ALDEN RICHARDS

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.