4 bata, 1 pa dedbol sa naghuramentado

Bandera - - FRONT PAGE -

NASAWI ang lima katao, kabilang ang apat na bata, makaraang mangharabas ng itak ang lalaki sa Sirawai, Zamboanga del Norte, kamakalawa, ayon sa pulisya.

Napatay din ang suspek na si Asdal Untong ilang minuto matapos niyang pagtatagain ang mga biktima, ayon kay Chief Supt. Billy Beltran, hepe ng Western Mindanao Police Regional Office.

Ani Beltran, nangyari ang insidente sa quarry site sa Brgy. Libucon.

Kinilala ang mga biktima na sina Majid Hali, 35; Nazer Hali, 10; Adzmar Hali, 7; Sayder Wahid, 11; at Mohammad Said Mukaram, 7.

Hindi sinabi kung ano ang relasyon ng mga Hali.

Idinagdag ni Beltran napatay ang suspek ng mga rumespondeng pulis.

Hinihintay pa ang detalyadong ulat ng Sirawai Municipal Police Station kaugnay ng insidente. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.