LPA binabantayan

Bandera - - FRONT PAGE -

NAIS ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kasuhan ng Metro Rail Transit (MRT) 3 ang mga pasahero na magdudulot ng aberya sa operasyon ng tren.

Ginawa ni Tugade ang utos makaraang pababain ang mga pasahero sa southbound ng Santolan-Annapolis Station noong Biyernes.

Inatasan din niya ang mga opisyal na kilalanin ang pasahero na dahil sa pagtatangkang makapasok sa papasara nang pinto ay nagkaaberya ang tren, ang unang insidente pagkatapos ng ginawang pagsasaayos ng MRT noong Mahal Na Araw.

“For the last 11 days, there was no unloading, it

was smooth. Today, we have the first unloading. Do you know the cause? There was someone who put pressure on the door. Pinilit na pumasok habang sarado na. It’s not about parts, it’s about this passenger,” aniya.

Idinagdag ng opisyal na dapat bantayan ng mga security guard ang mga pasaherong sumasakay sa MRT.

“From now on, lahat ng mahuhuling sumasandal o nagpipilit magbukas ng pinto ng tren kahit sarado na, kasuhan! I told MRT to file cases and collect damages from them. Maraming naaabala dahil sa kawalan ng disiplina,” giit niya. — Inquirer.net ISANG low pressure area ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maliit pa ang posibilidad na maging bagyo ang LPA.

Kahapon ang LPA ay nasa layong 1,540 kilometro sa silangan ng Mindanao. Kung hindi magbabago ang direksyon nito, papasok ito sa PAR sa loob ng isa o dalawang araw.

Wala pa itong direktang epekto ang LPA sa bansa. — Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.