Bizman unang gun ban violator

Bandera - - FRONT PAGE -

ISANG negosyante mula sa Gapan, Nueva Ecija ang unang naitalang lumabag sa ipinapatupad na gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataang elections sa Mayo 14.

Nadakip si Dennis Beley na bitbit ang kal.-45 pistola ala-1:05 ng umaga kamakalawa, isang oras matapos magsimula ang election period, ani Supt. Peter Madria, city police chief.

Binuksan ni Beley ang kanyang sling bag na naglalaman ng hand gun, nang parahalin ang kanyang van sa checkpoint sa Brgy. Sto. Cristo.

Ipinakita ni Beley ang kanyang lisensiya, pero hinuli pa rin siya dahil suspendido ang lahat ng permit dahil sa election period.

Nahaharap ang negosyante ng paglabag sa Omnibus Election Code. — Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.